top of page
Search
BULGAR

Obyus na nangangapa pa, T’yang Amy… KARLA, HILAW PA BILANG HOST NG FACE 2 FACE

ni Ambet Nabus @Let's See |May 4, 2023


Dalawang magkasunod na araw naming napanood ang bagong bihis na programang Face 2 Face sa TV5.


Medyo nangangapa pa si Karla Estrada pagdating sa pagkakaroon ng koneksiyon sa mga taong kinakausap niya. Kulang pa nga ito sa "conviction" kumbaga.


Hindi pa namin nakikita 'yung sinasabing "hasang-hasa" na siya sa pakikipag-usap sa mga taong may kani-kanyang isyu sa kanilang buhay.


Pero, nakakatawa naman si Karla kapag nagkakagulo na dahil mabilis siyang nakakatayo at pumupunta agad sa isang tabi. Hahaha!




Kitang-kita ring medyo nabawasan na ang kanyang timbang at ibang-iba ang awrahan ngayon ni Karla kumpara sa dati niyang show.


Mahusay magdala ng usapin hinggil sa isyu ang co-host niyang si Alex Calleja. Mataba ang utak nito pagdating sa sawsawera portion at may sey din ito paminsan-minsan sa mga pangunahing talakayin.


Very professional at knowledgeable rin ang Trio Tagapayong sina Atty. Lorna Kapunan, Bro. Jun Banaag at Dr. Camille Garcia.


Nakakalungkot lang na tila wala itong commercial load maliban sa mga house ads ng network.


Kung ma-miss ninyo itong panoorin sa umaga sa TV5 at nagsasawa na kayo sa mga teleserye sa gabi, try ninyong habulin ito sa gabi dahil matapang nitong tinapatan ang mga bonggang serye ng mga giant networks.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page