ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | October 04, 2021
Pinakilig na naman nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo ang kanilang AshMatt fans sa bagong Swatch commercial nila.
Thirty-one seconds lang ang video advertisement pero busog na busog ang mga fans dahil solid na mapapanood ang AshMatt sa buong duration with matching sweet moments. Bukod pa nga rito ay napakaganda’t napakaguwapo nila in formal wear. Bagay na bagay kay Sarah ang kanyang simple but elegant na black gown.
Mas lalo pang kinilig ang mga fans sa caption ni Matteo nang i-post niya sa Instagram ang video. “Ladies & Gents, I’d like to share with you how proud I am of this lady, my wife. The journey was never easy, and that’s exactly what makes us who we are today. “You’ve evolved, you’re empowered. And our lives are forever changed. “Love, we’ve overcome boundaries,” ang caption ni Matteo at ito ring mga salitang ito ang maririnig mula kay Matteo sa kanilang commercial. Hindi lang ang mga fans ang kinilig kundi pati mga kapwa nila celebrities tulad ni Iza Calzado na nag-react ng tatlong heart emojis. Komento naman ni Judy Ann Santos, “galing” with matching clapping hands sign emoji. Ang iba namang fans ay nagkomento na naiyak sila sa sobrang ganda ng commercial at sa labis na kilig
“I can't breathe. Kinikilig ako sa inyo. Jusko,” komento pa ng isa. Pero may mga netizens din na nagkomentong mukhang preggy na raw si Sarah. “She looks like she is expecting. She has a different glow and also have reasonably gained weight,” komento ng isang netizen. “Feeling ko, may little Ashmatt na, my Ashmatt heart,” saad naman ng isang AshMatt fan. “Why do I feel like I'm the only one who thinks that the pregnancy announcement is coming really soon,” sey naman ng isa pang netizen. “Parang buntis na si Sarah, ganda n'ya, grabe!” puna ng isa pa. Anyway, noon pa’y napakarami nang humihiling na pagsamahin ang AshMatt sa isang teleserye o pelikula pero up to now ay hindi pa ito nangyayari at hanggang commercial pa lang sila nakikitang magkasama.
Comments