ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 22, 2024
SYDNEY — Nahaharap ang isang obispo mula sa Australia sa mga paratang ng panggagahasa at pambabastos, na naglalagay sa kanya bilang isa sa mga Katoliko sa bansa na may pinakamataas na kaso ng ‘sex crimes.’
Naaresto si Emeritus Bishop Christopher Alan Saunders sa Western Australia noong Miyerkules ng gabi matapos ang isang masusing imbestigasyon sa Vatican na nag-udyok sa mga pulis na aksyunan ang pang-aabuso sa mga bata.
Ayon sa pulisya, sinampahan siya ng 14 kaso ng 'unlawful and indecent assault' at dalawang kaso ng 'sexual penetration without consent.'
Sinampahan din ang 74-anyos na obispo ng tatlong kaso ng 'indecently dealing with a child' na nasa edad 16 hanggang 18.
Nakatakda siyang humarap sa korte sa Huwebes.
Ipinakita rin ng mga dokumento ng korte na nangyari ang mga alegasyon laban kay Saunders mula 2008 hanggang 2014.
Comentários