top of page
Search
BULGAR

Obiena, sakalam talaga, naka-gold sa Sweden

ni VA / Gerard Peter - @Sports | June 04, 2021




Patuloy sa kanyang masugid na preparasyon para sa nalalapit na Tokyo Olympics sa gitna ng pandemya ang Filipino pole vaulter na si EJ Obiena.

Sa huling kompetisyon na kanyang nilahukan, nakopo ni Obiena ang gold medal sa Folksam Grand Prix-Goteborg 2021 sa bansang Sweden. Nagawang matalon ni Obiena ang baras na may taas na 5.70 meters sa una niyang attempt upang makamit ang gold medal.

Tinalo niya si reigning Olympic gold medalist na si Thiago Braz ng Brazil na nagkasya lamang sa silver sa naitala nitong 5.65 metérs. Pumangatlo sa kanila si Paul Haugen Lillefosse ng Norway na nakapagtala ng 5.60 meters.

Nagtangka pa si Obiena na talunin ang baras na itinaas sa 5.80 meters ngunit bigo siya sa kanyang tatlong attempts habang nangabigo rin sina Braz at Lillefose sa tangka nila na matalon ang taas na 5.75 meters.


Samantala, umaasa pa rin si Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na aabot sa 20 national athletes ang maipapadala ng bansa sa 2021 Tokyo Olympics kasunod ng panibagong tagumpay ni taekwondo jin Kurt Barbosa sa Asian Olympic Qualifying Tournament nitong nagdaang weekend.


Tiwala ang kinatawan ng ika-8th district ng Cavite na malalampasan na ng bansa ang 13 national athletes na naipadala sa 2016 Rio Olympics, kung saan nagwagi ang Pilipinas ng silver medal mula kay women’s under-53kgs weightlifter Hidilyn Diaz.


Kabilang sa mga Olympian na nakipaglaban sa Rio Olympics ay sina 6-time Southeast Asian Games gold medalist Eric Shauwn Cray, 2017 SEAG marathoner champion Mary Joy Tabal, Long-jump queen Marestella Torres-Sunang, boxers Rogen ladon at Charly Suarez, golfer Miguel Tabuena, Judoka Kodo Nakano, swimmers Jesse Lacuna at Jasmine Alkhaldi, table tennis Ian Lariba, taekwondo jin Elaine Kirstie Alora, at weightlifter Nestor Colonia. “Ang laki ng nawala dun sa mga atletang kabilang sa 20 na target nabawasan na tayo, pero in spite of that, nagdadasal pa rin ako na maaabot sa 20, but definitely malalagpasan na natin yung 13,” paliwanag ni Tolentino.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page