top of page
Search
BULGAR

Obiena, naka-silver sa FBK Games sa Netherlands

ni Gerard Peter - @Sports | June 08, 2021




Muli na namang pinatunayan ni 2021 Tokyo Olympics bound na isa siya sa mga maituturing na pinakamahuhusay sa larangan ng men’s pole vault sa buong mundo nang sungkitin ang panibagong karangalan nang talunin ang silver medal finish sa likod ng world record holder at World no.1 Armand Duplantis ng Sweden, Linggo, sa FBK Games sa Blankers-Koen Stadium sa Hengelo, The Netherlands.


Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng Summer Olympic Games mula Hulyo 24-Agosto 8, muling nagpamalas ang 25-anyos na 2019 SEAG gold medalist nang tumalon ng 5.80m mark para sumegunda sa 21-anyos na Swedish American na nagtala ng tournament best at meeting record na 6.10m, na maikokonsiderang mataas sa World Athletics Continental Tour.


Nakabawi ang Lafayette, Louisiana native silver medal performance sa World Athletics Continental Tour Gold series matapos maputol ang 23-meet winning streak sa Wanda Diamond League meeting sa Gateshead noong isang buwan, matapos yumuko kay dating two-time world champion Sam Kendricks ng U.S.


Inamin ng Filipino pole vaulter na gumawa ng record sa 2019 Doha Asian Athletics Championships na naging maayos ang isinagawang talon nito, ngunit tila may pagkakamali itong nagawa nang hindi makuha ang inaasam na sukat. “It was a decent jump, but I am not hitting the things I need to hit, and I am making mistakes that I don’t usually do,” pahayag ni Obiena sa panayam ng Bulgar Sports sa online interview.


Ito ang ikalawang outdoor tournament ng 2019 Universiade champion, kasunod ng top-performance niya sa nagdaang 2021 Folksam Grand Prix sa Göteborg, Sweden noong nakaraang linggo sa itinalong 5.70m.


Pumangatlo sa FBK tourney si crowd favorite Menno Vloon sa parehong 5.80m, ngunit nadaig ito dahil sa countback. Sinundan siya ng kapwa Dutch na si Rutger Koppelaar, 2016 Rio Olympics gold medalist Thiago Braz da Silva ng Brazil at Tokyo bound Ben Broeders ng Belgium sa pare-parehong 5.62. Sumunod sina American Cole Walsh at Melker Svard Jascobsson ng Sweden sa 5.50 at pumang-huli sina Pal Haugen Lillefosse ng Norway sa 5.30 at Harry Coppell ng Germany.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page