ni Gerard Peter - @Sports | July 10, 2021
Magsisilbing flag bearer’s ng bansa sa 2020+1 Tokyo Olympics sina men’s pole vaulter Ernest “EJ” Obiena at 4-time SEA Games women’s judoka gold medalist Kiyomi Watanabe sa pinasimpleng opening parade kasama ang ilang piling official.
Inihayag ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa ayon sa “Flight Availability” patungong Tokyo, Japan.
Ang 24-anyos na Fil-Jap ay nasa mismong bansa, habang si Obiena ay patungo na sa Japan mula Rome, Italy sa Hulyo 22. “All 19 athletes are qualified to be flag bearers, but we based the selection on the flight availability, whoever is in Tokyo, and also the schedules of their games and practices,” pahayag ni Tolentino.
Nauna ng tinanggihan ni Olympic bound Caloy Yulo mula sa mensahe ni Gymnastics chief Cynthia Carrion ang naturang task dahil mauuna itong sasabak sa preliminary qualification kabilang ang paboritong Floor Exercise event. “Thank you President Bambol! Our athlete Kiyomi and this NSA is very much honored. This is the first time that Judo was made flagbearer. Very fitting that Judo now celebrates its FIRST PINAY Judo Olympian! Mabuhay po kayo!” pahayag ni Philippine Judo Federation (PJF) head David Carter Carter sa mensahe nito sa Bulgar Sports sa Viber messaging.
Sinabi rin ng 57-anyos na pinuno ng Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) na limitado ang mga dadalo at ang flag bearers at 6 na opisyales lang ang paparada para sa Pilipinas dahil sa COVID-19 protocols. Pipiliin naman sa 19 na national athletes ang magiging flag bearers sa closing ceremony matapos ang Hulyo 24-Agosto 8 na bakbakan.
Samantala, bukod sa matatanggap na financial reward ng gobyerno mula sa Republic Act 10699, sa magwawagi ng gold, silver at bronze medals sa Olympics na na may halagang P10-M, P5-M at P2-M, ayon sa pagkakasunod, maaari ring pantay na cash rewards ang igagantimpala ng MVP Sports Foundation (MVPSF).
Comments