ni Ambet Nabus @Let's See | Mar. 1, 2025
Photo: Kaladkaren at Julius - TV5
Maraming netizens ang naimbiyerna sa pagka-Marites umano nitong si Julius Babao.
Sa huling parte raw kasi ng kanilang news program sa TV5 kung saan kasama nila si Kaladkaren bilang isa sa mga hosts ay tila buong-giting nitong tinanong ang huli kung totoo bang nakipaghiwalay na ito sa asawa?
“Kitang-kita na hindi naging komportable si Kaladkaren o si Jervi Wrightson sa tanong ni Julius, nakakaloka!” komento ng isang netizen.
“Uy, Julius, wala ka sa vlog mo. News program ‘yan. Hindi ka rin si Tito Boy (Abunda). Napaka-unprofessional mo naman,” sigaw pa ng marami sa inasal nga raw ni Julius.
Wala mang isinagot si Kaladkaren pero halata nga rito na naging uncomfortable at tila nahihiya sa inasal ng co-anchor.
Kung may pinagdaraanan man sina Jervi at Luke, hindi nga naman tama na umasal ng ganu’ng pagtatanong si Julius.
At dahil hindi nga ready si Jervi na sagutin ‘yun, malamang na gusto nito ng privacy o baka inaayos pa ang dapat.
“Hay, naku, parang nagiging sobra na ang pagka-Marites ni Julius na nadadala na n’ya sa seryosong news program ang ginagawa niya sa vlog niya,” hirit pa ng netizen.
Ibinulgar ng hipag sa socmed…
ERVIC, BINUGBOG ANG UTOL
USAPANG pamilya naman ang sentro ng paglabas ng socmed (social media) post ng hipag ni Ervic Vijandre.
Ipinakita pa nito ang bugbog-saradong pagmumukha ni Erwin, ang nakababatang kapatid ni Ervic, na nagbakasyon pala sa bansa kamakailan.
Kasama ang pamilya ni Erwin, mayroon umanong mga family issues na naungkat at nag-trigger daw kay Ervic na saktan ang kapatid.
Although nadala sa presinto ang usapin, nagkasundo umano ang magkapatid at hindi na nga kinasuhan ni Erwin ang kuya niya.
Subalit nang nakabalik na raw sa America ang pamilya ni Erwin, tila may nasaling na naman umanong ‘pride at isyu’ si Ervic na ikina-react nga ng mag-asawang Erwin at Jaye Vijandre.
Diumano ay tila nang-iinsulto pang binati ni Ervic ng happy birthday ang kapatid para sumabay daw ito sa pagpapakita sa madla na isa siyang mabuting kapatid at public servant.
“Helping others for his good politician image,” bahagi pa ng na-repost na pahayag ni Jaye, kasama ang mga pictures ng asawa na bugbog-sarado ang mukha.
Nagdulot umano ng malubhang stress at trauma sa pamilya nila ang ginawa ni Ervic, lalo’t na-witness ito ng mga anak nila. Pero after nga raw ng pangyayari ay parang wala lang ito sa aktor-pulitiko, hindi man lang nagparamdam or what until nga bumati ito ng happy birthday sa kapatid dahil sumasabay sa panahon ng eleksiyon.
FYI, re-electionist ngayon si Ervic bilang konsehal sa San Juan City.
UY, trailer pa lang ng POSTMORTEM ay sobra na kaming na-impressed.
May gulat, sindak at takot factor na agad, sabay sigaw pa at tili na hindi na namin nararamdaman sa mga horror flicks sa ngayon.
Very relatable ang tema nito tungkol sa mga taong nakikita natin na walang ulo at ang kaugnayan nito sa kamatayan.
Ang POSTMORTEM ang first directorial job ni Tom Nava, isang dating magaling na editor at cameraman sa ABS-CBN, na sumabak na rin sa mundo ng socmed (social media) bilang direktor sa likod ng mga kilalang vlogs nina Nanay Cristy Fermin at kapatid na Ogie Diaz.
Mahusay ang mga mata ni Direk Tom sa kamera dahil kahit trailer pa lang ang aming napanood, nagsasalita na ang mga shots niya.
Hindi nga namin inakalang first timer din pala bilang aktres ng nagbibida ritong si Jai Asuncion, isang kilalang vlogger din na may milyones na subscribers, kasama pa ang komedyanteng si Agassi Ching, na dati rin niyang karelasyon.
Nakakaloka, pero isang horror-thriller ang movie and yet, maiintriga ka sa tandem nina Jai at Agassi. Hahaha!
Anyway, sa March 19 na ito ipapalabas sa mga sinehan kung saan kasama rin sa cast ang magagaling na sina Alex Medina, Jennica Garcia, Mike Lloren at Francis Mata at mga kilalang vloggers na sina Sachzna Laparan at Albert Nicolas.
More on this next ish!