top of page
Search
BULGAR

NVOC inilalatag na ang second booster shot sa Abril

ni Jasmin Joy Evangelista | March 28, 2022



Plano ng National Vaccinations Operation Center (NVOC) na makapagbakuna ng fourth dose ng COVID-19 vaccines o second booster shots sa mga piling grupo sa Abril.


Ayon kay NVOC Chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, target ang pagbabakuna ng ikaapat na dose sa huling linggo ng Abril kung saan uunahin ang mga frontliners, senior citizens, at mga immunocompromised.


“Nag-apply na po ang DOH ng amendments sa EUA para sa mga piling bakuna na puwedeng ibigay pang fourth dose o second booster,” ani Cabotaje sa report ni Athena Imperial sa 24 Oras Weekend nitong Linggo.


“Humihina na ang immunity lalong lalo na sa edad nila, humihina ang proteksyon, so kailangang palakasin ito sa pamamagitan ng additional shot,” dagdag niya.


Ayon kay Cabotaje, kasalukuyan nang pina-finalize ang guidelines, kung saan hinihikayat ang mga target na grupo na kumonsulta sa kani-kanilang doktor bago magpabakuna ng second booster.


Sinabi naman ni Philippine College of Chest Physicians President Dr. Imelda Mateo na ang recommended interval ng first at second booster shot ay isa hanggang tatlong buwan, depende sa assessment ng doktor.


“Sabi po nila, a fourth dose of the same mRNA platform will offer 30% more protection against infection. For those who are immunocompromised, ibig sabihin [meaning] senior citizens and with comorbidities, [the] added 30% will matter,” aniya.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page