top of page
Search
BULGAR

NVDIA, nag-invest ng $200M sa AI Center sa Indonesia

ni Eli San Miguel - Trainee @News | April 5, 2024




Pinaplano ng NVIDIA, isang malaking kumpanya ng teknolohiya mula sa United States, na magtayo ng isang AI center na nagkakahalaga ng $200 milyon sa Indonesia.


Magkakaroon sila ng kolaborasyon kasama ang isang lokal na kumpanya na telecom sa Indonesia, ang Indosat Ooredoo Hutchison.


Ayon sa Communication and Information Technology Minister ng Indonesia, gagawing prayoridad ng sentro sa Surakarta, Central Java, ang pagpapabuti sa lokal na telecom at magkakaroon ng training para sa mga digital experts.


Gagamit ang Indosat Ooredoo Hutchison ng pinakabagong chip ng Nvidia, ang Blackwell.


Bahagi ito ng plano ng Nvidia na magpalawig sa Timog-Silangang Asya dahil sa mataas na demand sa data at lumalaking digital na economy.

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page