ni Lolet Abania | April 11, 2022
Suspendido ang implementasyon ng Modified Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o ang number coding scheme ngayong Semana Santa.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Lunes, ang suspensiyon ng number coding ay mula Martes Santo at Miyerkules Santo, gayundin, sa Huwebes Santo at Biyernes Santo, kung saan parehong regular holidays.
“Automatic na lifted ang modified number coding scheme tuwing holidays,” pahayag ng MMDA sa kanilang Twitter.
Samantala, ipinatutupad ng MMDA ang number coding scheme mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi para makatulong na mabawasan ang matinding trapiko tuwing afternoon rush hour.
Comments