ni Lolet Abania | December 22, 2021
Inanunsiyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Miyerkules na suspendido ang number coding scheme ng mga holidays gaya ng Pasko at Bagong Taon.
Sa isang advisory ng MMDA, ang number coding scheme para sa mga provincial buses at sa mga private at public utility vehicles sa Metro Manila ay suspendido sa Disyembre 25, 2021, Sabado (Pasko), Enero 1, 2022, Sabado (Bagong Taon).
Ayon pa sa MMDA, suspendido rin ang number coding mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi sa Metro Manila buses, pribadong sasakyan, at PUVs sa Disyembre 24, Biyernes (Christmas Eve), Disyembre 30, Huwebes (Rizal Day), Disyembre 31, Biyernes (New Year’s Eve).
“Ibig sabihin, ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 7 at 8 na sakop ng coding tuwing Huwebes (Rizal Day); at 9 at 0 na sakop ng coding tuwing Biyernes ay maaaring bumiyahe sa mga lansangan ng Metro Manila buong araw,” pahayag ng MMDA.
Comments