top of page
Search
BULGAR

Nuisance candidacy, dapat nga bang i-criminalize?

ni Ryan Sison @Boses | Jan. 19, 2025



Boses by Ryan Sison

Kung ang mga botante ang tatanungin hinggil sa tinatawag na nuisance candidacy, aprub kaya sa kanila na i-criminalize o gawing kriminal ito? 


Nanawagan kasi ang Commission on Elections (Comelec) para sa criminalization ng nuisance candidacy kasabay ng isinasagawa ng poll body na disposal ng 6 milyong nasayang na balota.


Sa panayam kay Comelec Chairman George Garcia nitong Sabado, sinabi niya na ang nuisance candidacy ay dapat na gawing kriminal. Aniya, kung hindi kulong, dapat ay patawan ng multa bilang parusa.


Nagbigay ng komento sa Garcia kasunod ng desisyon ng Korte Suprema na nagpatigil sa disqualification ng isang senatorial aspirant, dating representative at iba pang indibidwal sa May 2025 national at local elections.


Ang desisyon na ito ng SC ay nagtulak sa poll body para suspendihin ang printing ng mga official ballots, subalit hindi bago pa ang 6 milyon sa mga ito ay nakumpleto na at

kalaunan ay hindi na magagamit.


Sinabi rin ng SC na pinatigil ang Comelec sa pagpapatupad ng mga desisyon nito laban sa tatlong local bets sa midterm elections.


Binigyang-diin naman ni Garcia na nakasaad sa Omnibus Election Code na ang nuisance candidacy ay “legal” at “constitutional” na usapin.


Batay sa Comelec Rules of Procedure Part V, Rule 24, ang sinumang kandidato ay natukoy na walang bona fide intention na tumakbo para sa public office kung ilalagay niya ang proseso ng eleksyon sa “mockery or disrepute or to cause confusion among the voters by the similarity of the names of the registered candidates or who by other acts or circumstances.”


Ipinaliwanag ni Garcia na ito ay maaaring magresulta sa deklarasyon bilang isang nuisance candidate at ang certificate of candidacy nito ay denied due course o kakanselahin.


Medyo mabigat at mahabang usapin pa ang aabutin dito, kung saan kailangan pa siguro ng pagkakaroon ng batas kapag isinulong ang kriminalisasyon ng nuisance candidacy.


Totoong may ilang napatunayan na ring mga nuisance candidate at hindi na talaga maisasama pa ang pangalan nila sa balota. Sila iyong masasabi nating lumabas na nangungutya o mga nagdudulot ng kalituhan sa mga botante dahil sa pagkakatulad ng mga pangalan nila sa mga rehistradong kandidato at iba pa.


Sa ganang akin, kung hindi naman aprub na maging kandidato at hindi na pinayagang tumakbo sa eleksyon ay hayaan na lamang natin sila. 


Huwag na nating masyadong pag-aksayahan ng panahon ang mga nuisance candidate dahil marami pang ibang kailangan na dapat asikasuhin. Mas tutukan na lang natin ang mahahalagang bagay na talagang makatutulong para maging maayos ang nalalapit na eleksyon.

 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page