top of page
Search

Nu’ng wala ang business, meron… CHRISTOPHER, MAY NEGOSYO PERO WALA NG PERA

BULGAR

ni Julie Bonifacio @Winner | Feb. 2, 2025



Photo: Christopher Roxas - IG


Proud and loud si Christopher Roxas sa pagpapakita sa pangalawang branch ng That’s Diner sa Brick Road sa Sta. Lucia Mall sa Cainta.  


Ang unang branch ng That’s Diner ay matatagpuan sa San Pedro, Laguna. Taga-roon daw kasi ang mga relatives ni Christopher.  


Sa inorganisa na get-together with the entertainment media sa That’s Diner Sta. Lucia ng misis ni Christopher na si Gladys Reyes, tinanong namin siya kung dream ba niya na maging tulad ng sikat na si Chef Gordon Ramsay.  


Sagot ni Chef Christopher, “Hindi naman. Hahaha! Well, uh, ano ba ang dream mo? To provide, ‘yun na lang. To provide for my family.”  


Out of necessity to provide for his family, kaya pinasok ni Christopher ang pagiging

chef.  


“Uh, wala naman talaga akong ibang gagawin sa buhay ko and to be honest, mas nauna naman talaga akong mag-OFW bago ako nag-aral.  


“So, mas nauna akong magluto sa ibang bansa. Nu’ng umuwi ako, na-figure-out ko, at least, hindi ko naman nakita na magtutuluy-tuloy ako sa showbiz. Ang na-ano ko, at least, may papers ako, makapasok ako sa hotel. Parang, dapat magsasabay pa kami ni Donita (Rose) noon, eh,” pahayag ni Christopher.  


In fairness kay Christopher, legit na legit siya bilang chef kaysa sa ibang celebrities na nag-aral maging chef pero hindi naman talaga nakakapagluto.  


“Uh, nakapagluto ako sa France. Nakapagluto ako sa Japan. Nag-Amerika ako. I mean, yeah (legit chef siya), I think so.  


“Mas nauna akong maging kusinero talaga. So ako, nag-duty ako. Alam ko ‘yung buhay ng kusinero sa loob. So, nagtrabaho ako, literal na kusinero,” kuwento niya.  


May tita raw kasi siya sa Japan na may pag-aari na club. Nagtrabaho raw si Christopher sa kusina ng club.  


Aniya, “Tapos sa France, nu’ng nagpunta ako doon, nagsimula ako as dishwasher. Tapos, nag-grill ako. Until nangyari ‘yung (Bagyong) Ondoy.  


“Tumawag ako kay Ninang Cory (Vidanes). Sabi ko, ‘Ninang, mag-aartista na lang po ako. Hindi worth it ‘yung kita sa ibang bansa. Malayo ka sa family.’  


“So from there, nag-start ulit ako na magtayo ng maliliit na kainan. I remember kami ni Wowie (de Guzman), naggawa pa kami, eh. So, ayun.  


“Tapos nagkaroon na ng Stella, ‘yung dito naming restaurant, pre-pandemic. Dito rin ‘yun sa Sta. Lucia Mall. Then, inabot ng pandemya, nag-stop.  


“Ang nangyari, ‘yung mga karne ko doon, kailangan kong ibenta. Doon nagawa ‘yung That’s Entertainment. 


“So, ginawa ko, ‘yung mga karne namin, pinroduksiyon ko, minarinade ko. Tapos, ibinenta namin online.  


“So, umokey naman s’ya. Gumanda. ‘Til nagbukas na tayo. S’yempre, hindi mo naman kayang tapatan ‘yung mga high roller. Eh, ang trabaho naman talaga, magbukas ng kainan, restaurant.  


“Ang strength ko talaga sa pagluluto, hindi talaga Filipino kundi Mediterranean, Italian, European, mga ganyan, Western. Kaya siguro, ‘yung experience ko, eh, malaki-laki rin.”  

Kabisadung-kabisado ni Christopher ang pasikut-sikot sa loob ng kitchen.  


Sabi niya, “Ngayon po, uh, tine-train ako, may commissary kami. Tine-train nila ako for management naman. Kasi, kusina, alam ko na ‘yan.  


“Last year, sumali kami sa Philippine Culinary Cup. Nag-bronze kami, ‘yung team namin.”  

Sa commissary daw nila sila kumukuha ng stocks hindi lang para sa resto nila kundi pati na rin sa iba pang food business.  


“Yes, kumbaga, ginawa ko talaga ang commissary for That’s Diner. Pero may ibang kliyente rin po kami, may ibang restaurants kami na mina-manage. Tapos, may sinu-supply-an ako.  


“Our commissary is Grateful Galley. ‘Yan ang pangalan ng kumpanya ko. So, under Grateful Galley, meron akong mga units.  


“Meron akong for events and catering. Meron kaming That’s Diner for franchising.  


“Kaya ko naisip ‘yung pangalang Grateful Galley kasi nu’ng time na binuo ko siya, may mga taong naniwala sa ‘kin.  


“(Like) Si Ryan Agoncillo. Pinahiram ako ng pera n’yan, pangtayo ng restaurant. Kaya I will always be grateful sa kanya. So, ‘yung may mga taong ganu’n.  


“S’yempre, pandemya, eh, meron kasi akong mentor na zinero ko ang bangko ko. Bumili ako ng lupa. Eh, biglang nangyari ‘yung sa commissary, binaha, so, wala akong pera.  


“But ‘yun, may mga tumulong sa ‘kin. Kaya ‘yun, naitayo ko ‘yung company.  


“‘Yung catering namin, nagke-cater kami sa Congress. Regular po ‘yun. May canteen po tayo ru’n. Ang pangalan, Manay Nena. Meron na po akong staff doon. Pero nagluluto rin po ako roon. Pumupunta kami roon. May mga kusinero na rin kami roon.”  


Maganda raw ang istorya ng pagbi-business nila sa Congress.  


“Dati, nu’ng wala akong negosyo, marami akong pera. Nu’ng nag-negosyo ako, wala na

akong pera. Hahaha. Joke!”  


Si Gladys daw, member ng board nila at in-charge sa marketing.  

Nabayaran naman niya si Ryan?  


“Hindi pa. Ayaw niyang tanggapin, eh. Hehe. Hindi, si Ry, iba ‘yun. Iba s’ya,” diin pa ni Christopher Roxas.

Comentarii


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page