top of page

Nu’ng si Janine ang GF, ‘di raw umangat ang career… PAULO, NAGKAROON NG MGA ENDORSEMENTS DAHIL KAY KIM

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 9
  • 3 min read

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | Apr. 9, 2025



Photo: Paulo at Kim - Instagram


Marami ang nagsasabing nahahatak daw ni Kim Chiu si Paulo Avelino kaya may mga endorsements na ngayon ang aktor. Umingay at nagkaroon ng buhay ang career ni Paulo nang maging tandem sila ni Kim. At kahit hindi nila aminin, ramdam ng mga tao sa kanilang paligid na may ‘something special’ na namamagitan sa kanilang dalawa. 


Maraming fans ang sumusupport ngayon sa KimPau love team. Mahigpit ang tapatan nila sa tambalang BarDa (Barbie Forteza at David Licauco), kaya raw kumita sa takilya ang KimPau movie na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD)


Pero, may ilang fans ni Kim ang hindi pa rin kumbinsido sa sincerity ni Paulo sa Chinita Princess. Para lang daw sa career ang ipinakitang sweetness ng aktor kay Kim Chiu. Bakit daw noong si Janine Gutierrez ang GF ni Paulo ay hindi naman gaanong umangat ang kanyang career, at hindi siya nagkaroon ng mga endorsements? 


Si Kim ang mabentang-mabenta na product endorser, kaya nadamay si Paulo Avelino sa suwerte ng KimPau love team.


Well, ano kaya ang reaction dito ng mga solid fans ni Paulo Avelino?


 

Tinawag ding napakasinungaling… 

SIGAW NG EX: SINASAKTAN AKO NI BUBOY ‘PAG WALA SIYANG MARIJUANA


Matapos mapanood ang guesting ni Buboy Villar sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA) kung saan ibinigay ng Kapuso comedian ang kanyang side tungkol sa hindi niya pagsusustento sa unang dalawang anak sa ex-partner na si Angillyn Gorens, muling rumesbak at nagpakawala ng matitinding akusasyon ang non-showbiz ex ni Buboy. 


Hindi na lang ang isyu sa pananakit sa kanya at ang hindi pagbibigay ng sustento sa dalawang anak nila ang ibinato ni Angillyn kay Buboy. 


Naghamon si Angillyn kay Buboy na maglabas ito ng katibayan na nagbigay siya ng P120,000 buwan-buwang sustento para sa kanilang dalawang anak. 


Ayon kay Angillyn, sinabi ni Buboy sa isang interview na nagbibigay siya ng P60,000 tuwing 10th at 25th ng buwan, kaya’t umaabot ng P120,000 kada buwan ang sustento niya.


Agad na sumagot si Angillyn, tinawag na sinungaling si Buboy at hinamon na mag-post ng proof. 


Bukod dito, may ibinulgar din si Angillyn na galit na galit umano si Buboy at sinasaktan siya nu’ng panahon ng pandemic kapag wala itong marijuana. 

Tiyak na makakaapekto ito sa magandang career ni Buboy Villar at maba-bash siya nang husto. 


Talagang hindi tatantanan ni Angillyn ang dating karelasyon. Gusto niyang sirain ang reputasyon at pagkatao ni Buboy. 


Marami naman ang nagsasabing hindi man lang ba naisip ni Angillyn na kapag nawalan ng career at trabaho si Buboy ay lalo nang hindi nito mabibigyan ng sustento ang kanilang dalawang anak? 


Mas okey ba ‘yun kay Angillyn para lang makaganti kay Buboy? Sana, mag-isip-isip din siya dahil siya naman ang naunang nagkaroon ng bagong karelasyon at may anak na rin siya. Mas mahihirapan na siyang itaguyod ang pangangailangan ng dalawang anak nila ni Buboy kapag tuluyan nang hindi nakapagbigay ng sustento ang Kapuso actor.


 


HEALTH conscious ang Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza, kaya naman kahit na gaano pa siya kaabala ay nabibigyan niya ng panahon ang kanyang pagtakbo upang maging fit at healthy. 


Naging bahagi si Barbie sa ginanap na Ayala Fun Run for a Cause, na ang mga beneficiaries ay ang mga batang may cancer. 


Nakasama ni Barbie sa nasabing fun run sina Kim Chiu at Julia Barretto. 

Matagal nang ginagawa ni Barbie ang pagtakbo kapag wala siyang trabaho. Sina Alden Richards at Kristoffer Martin ang kanyang running buddies. 


Nangako rin si Barbie kay Alden na sasama siya sa Run For A Cause project na gagawin sa Mayo sa Mall of Asia Arena. Ito ay ang Lights, Camera, Run, kung saan ang kikitain ay ido-donate ni Alden Richards sa MOWELFUND upang matulungan ang mga miyembro. 


Isa sa mga board members ng MOWELFUND si Alden, kaya aktibo siya sa mga fundraising projects ng organisasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page