top of page

Nu’ng 2023 pa nagpabinyag… ERICH, MAY ANAK NA, PIKTYUR KALAT SA SOCMED

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 16 hours ago
  • 3 min read

ni Ambet Nabus @Let's See | Apr. 12, 2025



Photo: Erich Gonzales - Instagram


Talagang nagulat ang sambayanan dahil sa biglang paglabas ng baptismal photo ng anak ni Erich Gonzales at ng asawa nitong si Mateo Lorenzo.


Two years ago na pala ‘yun (2023) at nakakalokang hindi man lang ito lumabas sa mga balita, kahit pahiwatig ng mga nakatrabaho at kaibigan ni Erich sa showbiz.


Lumabas nga ang naturang litrato bunsod ng nangyari sa kasalan nina Claudia Barretto at Basti Lorenzo at pag-iingay sa socmed (social media) ni Dennis Padilla.

Magkapatid sina Mateo at Basti, habang magkaibigan naman sina Erich at Claudia.


Ang siste, walang nakakita sa anino ng mag-asawang Erich at Mateo sa kasal kaya mabilis sa pag-conclude ang mga Marites na diumano’y baka may “something” na isyu sa mga ito?


Grabe, pero hindi kaya naloloka na ngayon ang mga taga-alta at ka-level ng mga bilyonaryong Lorenzo dahil nasasangkot sila sa mga ganitong ingay sa showbiz?

Marami tuloy ang bina-bash lalo si Dennis Padilla nang dahil sa pag-iingay nito in guise of his being the father of the bride.


“Ganyan kasimpleng magpaka-private citizen ang mga totoong alta. ‘Yung mga tunay na mayayaman talaga, chill-chill lang sa mga ganyang ganapan. Ang madalas lang namang nag-iingay o gumagawa ng ingay ay ‘yung mga nagyayaman-yamanan o ‘di kaya’y ‘nakasabit’ lang sa mga legit na rich,” ang pagtataray ng mga netizens sa pangyayari.


 

HINDI talaga natin alam kung ano ang nasa likod ng mga nangyari sa pamilya nina Dennis Padilla at Marjorie Barretto. Ang nakikita na lang ng madla sa ngayon ay ang sinasabing pagiging toxic ni Dennis, lalo’t lagi niyang dinadala sa socmed (social media) ang mga isyu niya sa kanilang mga anak. 


Matitindi na naman ang mga emote niya after nga siyang pinagmukhang guest sa kasal ng anak na si Claudia. Considering na few days ago lang ay sobra pang happy si Dennis nang mag-post siya ng picture kasama ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon with his mother. 


Sa naging phone interview sa kanya ni Mama Ogie Diaz, ipinasabi niyang tinutuldukan na niya ang anumang kaugnayan sa mga anak. Na marahil ay ‘pag patay na lang siya makikita ng mga ito kung gugustuhin pa nila. 


Basta para sa kanya, tapos na ang ugnayan niya sa mga ito dahil ginawa na raw niya ang lahat para mag-sorry, humingi ng pang-unawa, isapubliko ang mga nagawa niyang pagkakamali at pagkukulang, pero sadya nga raw matitigas ang mga anak niya.


Ang panganay niyang si Julia ang may mga cryptic posts ngayon after the incident. Lahat ay nagkakaisa sa pagsasabing ‘yun marahil ang sagot ng dalaga sa mga kuda ng kanyang ama.


Ilan nga sa mga ito ay gaya nito: 


“A narcissist doesn’t care about being a good parent-they just care about looking like one.”

“To a narcissist the kids are just pawns in their war to break you.” 

“A narcissist’s favorite role? The victim. Because it distracts from the damage they caused.”

‘Yun na!


 

SAMANTALA, inilunsad naman ng Viva Beauty si Rabin Angeles bilang brand ambassador ng international South Korean skincare brand, ang The Lab by Blanc Dux.


“Siyempre, ‘pag gusto nating maging good looking at confident tayo sa ating hitsura, need nating alagaan ang ating skin,” sambit ni Rabin sa pagiging endorser niya ng naturang brand.


Nagulat kami sa lakas ng following ng bagets sa socmed (social media) dahil since makasama siya sa Viva One series na Ang Mutya ng Section E (AMNSE) bilang si Yuri Hanamitchi, talaga namang dinagsa na siya ng mga endorsement offers at TV projects.


Kahit kami ay nasaksihan ‘yan during our visit sa book trade fair sa SM Megamall. Doon kami papunta sa booth ng UST Publishing kung saan nandu’n ang book ni Star for All Seasons Vilma Santos, pero inabot kami ng oras bago makapasok nang dahil sa mall tour nina Rabin, Andres Muhlach, Ashley Olviga at iba pang bida sa series.


Dumadagundong ang sigawan at tilian sa mga ito at dinig na dinig namin ang pag-shout out ng mga fans sa name ni Rabin. Grabe! Hahaha! Kumbaga, talagang sikat na siya.


“Hindi ko po iniisip ang ganyan. Wala pong ganyan, basta work muna ako at focused. Basta ang dream ko po talaga sa lahat ng pagsisikap ko ay mapatigil na sa work ang mama ko (as a nurse) at kami na lang ang asikasuhin. Ako na lang ang mag-work for us,” pagbabahagi ni Rabin.


Sa isini-ship naman ng mga fans na ‘rivalry’ nila ni Andres sa series over Ashley, “Naku, hanggang sa roles at show lang po ‘yun. May kani-kanya lang talaga kaming mga followers/supporters at all good kami. Friends po kaming lahat at kami ni Andres, super cool bro kami,” hirit pa ng half-Japanese, half-Pinoy na mas mukhang Korean idol. Hahaha! 


Mabait at marespetong kausap si Rabin na lalong nagpaguwapo rito.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page