ni GA / Delle Primo - @Sports | June 22, 2022
Ganap na naangkin ng NU Lady Bulldogs ang korona ng UAAP 84 women's volleyball league kagabi laban sa DLSU Lady Spikers sa Game 2 ng best-of-3 finals sa bisa ng 25-15, 25-15, 25-22. Pinagbidahan ni Jennifer Nierva ang kampanya ng NU.
Ang pagwawagi ng NU ay ikatlong UAAP women's volleyball championship mula pa noong 1956-57. Kumumpleto rin sa perpektong 16-0 campaign ng Lady Bulldogs. Ang NU ay kabilang na sa exclusive club of teams na nagwalis ng women's volleyball tournament. Ang La Salle ang nagkarekober nito noong Season 67, kung saan 14-0 sa elimination round at deklaradong kampeon.
Samantala, pinakaraming nakuhang parangal ang Lady Bulldogs sa individual awards. Si rookie star Michaela Belen ang First Best Outside Hitter award at Most Valuable Player at Rookie of the Year kahapon bago simulan ang Game 2 finals sa MOA Arena.
Si playmaker Camilla Lamina ang Best Setter sa average na 5.81 excellent sets per set sa elimination round, ang best mark sa liga. Best Libero si Jennifer Nierva, (55.96% efficiency) 2nd sa digging (4.40 digs per set). Alyssa Solomon, ang Best Opposite Spiker awardee. Si Sheena Toring, ang Second Best Middle Blocker. Si Faith Nisperos ng Ateneo ang Second Best Open Hitter, si DLSU Thea Gagate ang First Best Middle Blocker.
Samantala, pinatawan ng Philippine Basketball Association (PBA) Commissioners office ng isang larong suspensiyon at multang P10,000 si Magnolia Timplados Hostshots forward Calvin Abueva para sa ‘unsportsmalike conduct’ sa nagdaang laro kontra Brgy. Ginebra nitong Linggo sa 2022 Philippine Cup.
Inihayag ni PBA commissioner Willie Marcial na napatawan ang 34-anyos na 2021 Philippine Cup Best Player of the Conference ng naturang parusa matapos mapatalsik sa second half kasunod ng ikalawang technical foul sa pakikipaggirian kay Ginebra guard Nards Pinto.
Yorumlar