top of page
Search

NTF-ELCAC, pinabubuwag na

BULGAR

ni Angela Fernando - Trainee @News | February 2, 2024




Nag-rekomenda ang bumisitang United Nations Special Rapporteur na si Irene Khan nitong Biyernes na tuluyang alisin ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).


"NTF-ELCAC was established about six years ago in a different context. It is outdated. It does not take into account the ongoing prospects for peace negotiations," ani Khan.


Dagdag niya, nirerekomenda niyang buwagin na ito.


Matatandaan itinatag ang NTF-ELCAC nu'ng Disyembre 2018 ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang tapusin ang 'local armed communist conflict' sa bansa.


Matapos na maitatag ang nasabing samahan, ilang beses na nakaladkad na ang pangalan nito sa iba't ibang klaseng pangre-red tag sa mga indibidwal.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page