top of page
Search
BULGAR

NPC, DICT nagkasundo sa Digital Security and Privacy Quick Response

ni Eli San Miguel - Trainee @News | October 18, 2023




Pumirma ng Memorandum of Agreement (MOA) ang National Privacy Commission (NPC) upang simulan ang collaborative partnership sa Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa proyektong Digital Security and Privacy Quick Response (DSPQR).


“The MOA between NPC and DICT is a significant step towards ensuring the digital security and privacy of our fellow Filipinos,” sabi ni Privacy Commissioner John Henry D. Naga sa isang pahayag nitong Miyerkules, Oktubre 18.


"The Digital Security and Privacy Quick Response Project will empower us to swiftly address privacy concerns and violations, ultimately upholding every citizen's right to privacy in this digital age," paliwanag ni Naga.


Ang pangunahing layunin ng proyekto ay ipatupad ang "complaints-handling system" na agad na tutugon sa privacy violations at concerns.


Sinabi ng NPC na ang proyektong DSPQR ay magiging bahagi ng eGov Super App ng Government Digital Transformation Bureau.


Bilang bahagi ng partnership, maglalaan ang DICT ng pondo para sa DSPQR Project at magtatatag ng isang framework para sa NPC upang makapagbigay ng regular na ulat.


Samantala, ang NPC ay magiging implementing unit ng DICT, na may pangunahing layunin na dagdagan ang kamalayan, edukasyon ng mga indibidwal, at organisasyon ukol sa DSPQR Project, at ipakita ang epektibong paraan nito sa pag-address ng mga alalahanin sa privacy at mga banta sa cybersecurity.


Magsisimula ang proyekto sa Oktubre 25.


"NPC will play a vital role in triaging cases involving cybersecurity threats, consumer-related concerns, and data privacy issues monitored and reported through the Consumer Complaint Center, Contact Center ng Bayan, National Computer Emergency Response Team, and the NPC," sabi ng Komisyon.


Bukod dito, binigyang-diin ni DICT Secretary Ivan John Uy na pareho ang layunin ng DICT at NPC na pangalagaan ang karapatan ng publiko sa privacy.


"During this Cybersecurity Awareness Month, the DICT and NPC share a common goal: to protect the fundamental right to privacy while strengthening our resilience against the ever-evolving landscape of cyber threats," sabi ni Uy.


"We also encourage our citizens to be vigilant and proactive in safeguarding their digital well-being. Report any privacy concerns or incidents promptly, as your active role is essential to our collective effort to ensure a safer and more secure online environment for every Filipino," dagdag pa niya.


Dinaluhan din nina Deputy Privacy Commissioner Nerissa N. De Jesus at Privacy Executive Director Ivin Ronald D.M. Alzona ang pagpirma ng MOA sa National Cybercrime Hub sa Taguig City noong Oktubre 11.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page