ni Jenny Rose Albason @World News | July 14, 2023

Isinawalat ng South Korea na muling nagsagawa ang North Korea ng isang intercontinental ballistic missile.
Ang nasabing aksyon ng North Korea ay kasunod lamang umano ng pagbabanta nito dahil sa umano’y ginawa ng U.S. na reconnaissance activity sa ilalim ng teritoryo nito.
Ayon sa ulat ng South Korea, posible umanong isang road-mobile Hwasong-18 ICMB ang sinubukan ng North Korea.
Ang nasabing missile ay isang uri ng solid-fuel at isa sa mga ipinagmamalaki ng North Korea dahil sa mahirap umano itong matunton, hindi katulad ng karaniwang liquid-fuel missile.
Batay pa sa nakalap na impormasyon ng South Korea, ang missile ay maaaring galing sa capital ng nasabing bansa at pinalipad sa layong 1,000 kilometro.
Tinatayang lumipad ito nang nasa 6,000 kilometro bago tuluyang bumagsak sa karagatan sa pagitan ng Korean peninsula at bansang Japan.
Comments