ni Lolet Abania | March 8, 2022
Inanunsiyo ng lokal na pamahalaan ng Makati City na ang “normal” number coding scheme para sa mga sasakyan ay magpapatuloy na simula Marso 16, 2022.
“Please be informed that the normal number-coding scheme in Makati will resume starting March 16, 2022, from 7 a.m. to 7 p.m.,” ayon sa city government sa Facebook post nitong Lunes.
Exempted mula sa number coding scheme, ang mga sasakyan na mayroon o hawak na Senior Citizen Blu Card na mga drivers o passengers at iyong may official functions at medical emergencies na nakasaad sa Makati Traffic Code.
Gayunman, ayon sa Makati government, kapag mga holidays, ang number coding scheme ay awtomatikong inaalis.
Una nang sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinag-aaralan na nila ang posibleng expansion ng panghapon na number coding scheme sa National Capital Region (NCR), na nakatakda mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Ayon kay MMDA chairperson Romando Artes, kinokonsidera nilang magdagdag ng morning period sa number coding scheme na mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.
Comments