ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 17, 2024
'Niwey, NFF (Nora's Friends Forever) group invited us to watch PIETA special screening at Cinema 76 sa may Scout Borromeo kamakailan lamang, and mind you, full-packed ang viewers at sold-out ang tickets na kanilang ibinenta, kaya pati 'yung nawalan ng upuan ay sa aisle na lang mga nagsiupo.
Palakpakan to the max nang sa isang eksena ay muling kumanta si Nora Aunor na alam naman ng lahat na nawalan ng boses nang dahil sa isang throat operation, pero sa eksenang 'yun ay totoong boses ni Ate Guy ang kanilang napakinggan, in pernes, 'noh!
Ang role rito ni Superstar Nora Aunor ay isang inang may dementia at ang gumanap niyang anak dito ay si Alfred Vargas na pinabilib kami dahil ang lakas din pala ng acting ability nito sa kanyang mga eksena sa Pieta, sa true lang.
Hindi siya mukhang politician dito sa Pieta, in pernes, 'noh!
Well, harinawa ay pumatok din sa takilya itong Pieta nila tulad ng kinita ng Rewind movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
'Yan ang "Wish ko lang, Vicky Morales" ng mga Noranians at iba pa.
'Yun lang and I thank you!
Napaka-sweet naman talaga ni Sen. Robinhood Padilla sa kanyang misis na si Mariel Padilla.
May pinagdaraanan kasi ngayon si Mariel na dumaranas ng depression sa pagkamatay kamakailan lang ng kanyang mommy dearest.
'Di pa gaanong nakaka-move-on si Mariel pero nagpapaka-busy ito sa kanyang food business para tuloy lang ang buhay.
Kaya naman para maibsan ang kalungkutan ni Mariel ay nag-post si Robin ng mensahe para sa kanyang misis sa kanyang Instagram account which goes…
"Alhamdulillah
Ang asawa ko Ayaw niya matigilan o mapaisip kaya iniiwasan niya na mapaupo Lang o mapatulala
Kinakain siya ng kalungkutan sa biglaang pagkamatay ng kanyang mahal na ina
Kayat sa buong araw nais niya gumalaw
Gawin ang lahat ng bagay para maging abala
Tumulong Magbuhat
Magluto
Maglinis
Mamalengke
Magtulak
Magpaligo
Magmaahe
Atbpa
Kasabay ng pagiging kanyang Ina
Asawa
at kapatiran ng kanyang mga angels
Hindi rin niya isinasantabi ang kanyang pagiging tindera ng Bayan dahil sa mga umaasa sa kanyang pagbebenta na nagbibigay ng income/kita/ sideline sa mga nakalinya sa kanyang pangkat tindera.
Literal na sa kanyang pagod sa araw at gabi
Bagsak na Lang siya sa kama para makatulog."
Oh, ha? For sure, kinilig si Mariel sa appreciation post na ito sa kanya ni Sen. Robin.
Comments