top of page
Search
BULGAR

NON-SHOWBIZ FRIEND NI LUIS, GUSTONG TANGGALIN NI JESSY SA BUHAY NG MISTER

ni Julie Bonifacio - @Winner | November 14, 2022


As promised sa online show namin ng aming magandang entertainment editor dito sa BULGAR sa Facebook page last Saturday, 11 AM to 12 NN, ang #CelebrityBTS Bulgaran Na, inalam namin kung sino ang tinutukoy ni Jessy Mendiola na dapat “i-cut-off” sa buhay ng kanyang mister na si Luis Manzano on her Instagram Story last November 10.


Naglabas ng kanyang hinaing si Jessy sa kanyang IG story via a cryptic message kung saan nakasaad doon ang tungkol sa isang tao na malapit sa kanila ni Luis na sinisiraan sila “behind their back.”


Kaya bilang misis ni Luis ay sinabihan niya ang kanyang mister na alisin na sa buhay nito ang ganitong klaseng tao.


Post ni Jessy sa bandang last part ng mensahe niya sa kanyang IG Story, “Wives, it is okay to cut people off from your husband’s life, especially if it is the only way to protect him and your family from danger. Protecting your family fiercely is your duty as a mother and also as a wife. There’s a reason why God showed YOU their true colors.”


Malakas talaga ang feeling namin na hindi showbiz friends ni Luis ang tinutukoy ni Jessy na malapit sa kanyang mister.


Open naman si Luis sa pagkuwento na mas close sa kanya ang mga non-showbiz friends niya dahil karamihan sa kanila ay mga kaklase pa niya nu’ng elementary and high school. And most of them, naging business partner pa ni Luis.


So, ‘yun na nga. Natumbok namin na isa sa mga non-showbiz friends and business partners ni Luis ang pinasaringan ng kanyang seven-month preggy na misis.


Siyempre, wit na namin mention ang personalidad na gustong “putulan,” este “putulin” ni Jessy ang ugnayan kay Luis.


Oh, well. Ganyan yata talaga kapag nahaluan na ng “pera” ang pagkakaibigan. Pero baka hindi pa naman huli ang lahat at keri pang pag-usapan ‘yan ni Luis at ng business partner niya anuman ang naging problema.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page