top of page
Search
BULGAR

Non-COVID cases, dapat ding bantayan

@Editorial | August 12, 2021



Sa gitna ng COVID-19 pandemic, nakaaalarma rin ang ulat na dumarami ang nagpapa-ospital dahil sa ibang sakit.


Ayon sa Philippine Hospital Association, walang pagkakaiba ang sitwasyon sa kasalukuyan sa mga ospital kumpara sa naranasan noong Marso at Abril, 2021 nang inilagay ulit ang Metro Manila sa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Marami rin umanong pasyente ang tumutungo sa mga ospital dahil naman sa mga non-COVID problems, tulad ng dengue at influenza.


Bagama't may mga natatakot ngayon magpagamot dahil sa banta ng mas matinding COVID, sadyang may mga pagkakataong kailangan talagang magtungo sa doktor para maagapan.


Kung ang sitwasyon ay kayang daanin sa online consultation, mainam. Pakinggang maigi ang mga payo at sundin para kahit nasa bahay lang ay gumaling.


Samantala, nagsabi na rin ang Department of Health sa mga ospital na huwag nang mag -admit ng may COVID na mild o asymptomatic, upang maiwasan ang pag-apaw ng pasyente.


Maraming ospital ang nag-install na rin ng kanilang oxygen-generating machines kahit pa maayos pa naman ang supply ng oxygen sa bansa ngayon.


Gayunman, problema pa rin ang manpower hanggang sa ngayon sa mga ospital, kaya ang diskarte ng iba ay kumukuha na lang din ng maraming mga nursing aides na siyang bahala sa leg work ng mga nurses.


Kaya bilang tulong, laging mag-ingat, alagaan ang kalusugan at higit sa lahat, sundin ang mga panuntunan laban sa COVID at iba pang sakit.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page