top of page
Search
BULGAR

"No Work, No Pay Policy" sa hindi bakunado, panggigipit sa mga workers, 'wag naman!

ni Imee Marcos - @Imeesolusyon |December 06, 2021

Isa ang sektor ng paggawa o empleyo sa pinakaapektado sa pandemya. Eh, 'di ba nga't nasa mahigit apat na milyon ang nawalan ng trabaho?

Nagsara ang maraming kompanya dahil sa mga lockdown dulot ng COVID-19 na sanhi ng kanilang pagkalugi, kaya naman nagkaroon ng serye ng mga sibakan sa trabaho. May iba namang na-retain, pero limitado ang araw ng kanilang pagpasok para makaiwas sa hawahan ng virus.

Ang ibang kompanya ay thrice a week pumapasok ang mga empleyado, ang iba ay twice a week, at ang pinakamasaklap, 'yung nakararanas ng pagpasok ng once a week, kahit pa nga regular sila napilitan na itong gawin ng mga employer dahil sa pandemya.

Kawawa talaga ang mga manggagawa! Juicekolord!

At heto nga, mga bandang Setyembre pa lang, eh, nag-float na ng proposal ang Inter-Agency Task Force na magpatupad ng 'No Vaccine, No Work, No Pay' policy para na rin daw sa proteksiyon ng lahat. Pero sa simula pa lang, eh, 'di ba, marami nang kumontrang labor group at mismong Department of Justice, eh, nagpaalala na labag ito sa rights ng workers.

Dahil d'yan kalauna'y bandang Nobyembrex inilabas ang IATF Resolution 148 at inamyendahan pa ng Resolution 149 na nag-oobliga sa hindi bakunadong 'workers on site' na magpresinta ng kani-kanilang RT-PCR Test, pero 'yun nga lang, sagot nila ang gastos dito.

Ayon din naman sa DOLE, kailangan munang magpasa ang Kongreso ng batas bago maobliga ang mga kompanya na magpabakuna ang 'workers on site'. Hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang isyung 'yan sa Kongreso at pagkontra ng mga labor group.

Katunayan, pinasususpinde ito ng ilang kongresista.

Sa ganang atin, eh, 'pro-vaccine' at para 'yan sa proteksiyon nating lahat. Pero IMEEsolusyon, gawin munang pulido sa Kongreso ang isyung 'yan at karapat-dapat lang na magkaroon ng matinding konsultasyon at pakinggan ang apektadong sektor ng paggawa! 'Di ba! Kaunting push lang, hindi kailangang gipitin ang kanilang mga karapatan.

Saka sa isyu naman ng regular na pagpapa-RT-PCR Test, IMEEsolusyon, eh, bigyang-konsiderasyon ng IATF ang mga kapus-palad nating mga manggagawa! May krisis ngayon, pakiusap naman sa ating mga employers, sagutin n'yo na muna ang gastusin d'yan. Kapag ipinakarga pa sa kanila ang gastos d'yan, saan pa sila huhugot ng pangkain para sa kanilang pamilya?

Panahon pa naman ngayon ng Pasko, sa ngalan ng ating lahi na may puso sa ating kapwa Pinoy na naghihirap, nagsusumamo tayo na harinawa'y mapagbigyan ng IATF at employers ang ating mga manggagawa! Aginaldo n'yo na 'yan sa ating mga kababayan!

ISA ang sektor ng paggawa o empleyo sa pinakaapektado sa pandemya. Eh, 'di ba nga't nasa mahigit apat na milyon ang nawalan ng trabaho?

0 comments

Commentaires

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page