ni Imee Marcos @Imeesolusyon | November 14, 2023
Inirekomenda ng Philippine Rice Institute na buhayin ang panukalang Half Rice Law para raw hindi masayang o matapon lang ang mga kanin lalo na sa mga restoran.
Tulad ng inaasahan, maganda man ang intensyon ng PhilRice, hindi naman ito katanggap-tanggap sa ating mga Pinoy! Remember, malakas tayong kumain ng kanin! Kaya sa ganang akin, no, a big, big no sa half rice!
Abah eh, ayoko kayang magutom ang ating mga kababayan, lalo na ‘yung kumakain sa mga karinderya, sa boodle fight at sa bahay ng bawat pamilyang Pinoy!
Agree ako sa mabuting intensyon nito. Pero ang paghahain ng half rice ay hindi sapat na tugon sa mas malalim na problema ng kahirapan at pagkagutom.
Maaari ring magdulot ng positibo at negatibong epekto sa mga maliliit na negosyo ang paghahain ng half rice.
Makakatipid sila kapag half rice na ang inihain. Pero ‘yung mga may pa-unli rice, nakupowz ‘yung tiyak mababawasan ang kanilang mga customer at maninibago.
Kailangan natin ng mas malawak at mas malalim na mga hakbang para tugunan ito.
IMEEsolusyon natin d’yan eh, tulungan natin ang ating mga magsasaka na pataasin ang produksyon ng bigas.
Pangunahing IMEEsolusyon na pagtulong eh, tutukan ang natatapong postharvest matapos ang ani, na halos 23% ang nasasayang sa mga kalyeng pinagpatuyuan ng palay.
Bigyan natin ng mga bodegang mapagtutuyuan ng mga palay ang ating mga magsasaka at hindi sa mga kalsada lang, ‘di bah!
Take note, para sa ating mga Pinoy, KANIN IS LIFE! Agree?!
Comments