ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | August 11, 2023
Kaliwa’t kanang batikos na naman ang natatanggap ngayon nina Aljur Abrenica and AJ Raval matapos mag-post ang aktor ng larawan nilang dalawa habang nagka-camping sa Canada. Sa larawan ay makikitang magkatabing nakaupo sina Aljur at AJ sa camping site at sa likod nila ay makikita ang isang camping van.
Nakalagay din sa post ang location na Big Fish Bay, Slave Lake located in Alberta, Canada. May isang video rin na ipinost si Aljur at makikita naman dito na may mga ibang friends din silang kasama sa camping.
Sa comment section ay katakut-takot na bashing ang natanggap ng dalawa. Narito ang ilan sa mga komento:
“Kumusta naman ang asawa at mga anak mo, idol? Kumusta naman ang pakiramdam ng nagsasaya ka na kasama ang bago mo, tapos b-day ng anak mo na masaya rin sila na wala ka?”
“Dati, todo-deny kayong dalawa! Ngayon, upload-upload pa kayo ng mga pictures n’yo. Sa susunod, picture na ng baby ninyo ang ia-upload n’yo. Time is the best truth teller talaga.”
“‘Di na nahiya sa mga anak niya. Panay post ng picture ng kabit niya.”
May mga nagtanggol din naman kay Aljur at naawa sa aktor sa mga natatanggap na pambabatikos.
“Happy for you, Aljur. I know the true story. May picture tayo dati during my days at Astro Megamall. Hehe! Hayaan mo ‘yung mga bashers, hahaha!” komento ng isang netizen.
“May show po silang dalawa sa Vancouver,” paliwanag naman ng isa pa.
Pagtatanggol ng isa pang IG user, “May show po kasi siya sa Vancouver. May dyowa na po si Kylie, nauna pa po siya kina Aljur at AJ. Masaya na siya ngayon, sana ay maging masaya ka na rin.”
Sey naman ng isa pa, “Dahil ba nag-post siya ng picture? Si Kylie po ang unang nagkadyowa at hindi sina Aljur at AJ. Dahil mukhang matino si Kylie, akala n’yo ay siya ‘yung kinawawa.”
Comments