top of page
Search

No need na ng magarbong selebrasyon… MGA LUGAR NA PUWEDENG PASYALAN NGAYONG FEB-IBIG, ALAMIN!

BULGAR

ni Angel Lyca Malanao (OJT) @Life & Style | Feb. 11, 2025





Excited na ba ang lahat para sa Araw ng mga Puso? 


Ang isa sa mga pinoproblema ng mga magkasintahan kapag papalapit na ang Araw ng mga Puso ay kung saan sila mamamasyal, higit lalo kung ‘di kaya ng budget ang bonggang selebrasyon. 


Gayunpaman, hindi naman porke wala tayong extra money para du’n, hindi na natin ito ise-celebrate. Remember, isang beses lang ito sa isang taon, kaya hangga’t maaari ay gawin natin itong memorable. Okie? 


Kaya kung naghahanap pa rin kayo ng abot-kayang date para mai-celebrate ang Valentine’s. Aba, perfect timing ito, dahil narito ako para tulungan kayo! Ready na ba kayo mga Ka-BULGAR? Let’s go, basahin na natin ito! 


  1. PARK. Ang park ay isa sa mga sikat na pasyalan na sakto sa mga magdyowang tight ang budget. Pero, hindi naman porke rito n’yo ise-celebrate ang Valentine’s, wa’ na agad itong thrill. Dahil, marami pa rin naman kayong magagawa rito tulad ng pagpi-picnic sa ilalim ng mga matataas na puno. Hindi ba?  


Ang mahalaga naman kasi kapag Araw ng mga Puso ay magkasama kayo at magkaroon ng sapat na oras upang makapagkuwentuhan. Gets mo? 


  1. STREET FOOD TRIP. Kung gusto n’yo ng iba’t ibang pagkain at maglakad-lakad sa mga kilalang street food spots, aba ito na ang sign para tumuhog ng iba’t ibang fave n’yong pagkain. Hindi n’yo na kailangan pang gumastos ng malaki rito, dahil sinisiguro ko sa inyo na abot-kaya n’yo lang itong mabibili. Oh ‘di ba, naka-bonding n’yo na ang isa’t isa, nabusog pa kayo! 


  2. MAGTAMPISAW SA DAGAT. Kung nais n’yo namang mag-beach date at manood habang papalubog ang araw, ito ang perfect timing para makapag-relax at makalayo pansamantala sa mga problema. Isa rin ito sa magandang pagbuo ng memories kasama ang inyong minamahal.


  3. COFFEE DATE. Kung parehas kayong coffee is life, ito na ang perfect date na para sa inyo. Isa pa, hindi na kayo mamomroblema dahil marami namang shop d’yan na pagpipilian. 


  4. MUSEUM O ART GALLERY. Maraming mga museo at art gallery na may mga libreng admission o discount tuwing special occasions. Nakapag-bonding na kayo, nakapaglakbay pa kayo sa kultura at sining. Hindi ba? 


  5. NATURE WALK O HIKE. Kung trip n’yo rin ang paglalakad kung saan-saan, puwede n’yo ring subukang mag-hike sa mga nearby trails o kaya mag-nature walk sa mga protected areas at eco-parks. 


Ilan lamang iyan sa mga lugar na pupuwede ninyong puntahan sa darating na February 14. Kaya ‘di n’yo na need mamroblema pa. Oks? 


Kahit na sa kabila ng mga hamon ng buhay, ang pagmamahal ay patuloy pa ring nagbibigay saya at kulay sa ating pang-araw-araw. 


Ngayong papalapit na ang Valentine’s, hindi na natin kailangang gumastos pa ng malaki upang maipagdiwang lamang ito, dahil sa pamamagitan ng simpleng selebrasyon, maaari n’yo nang gawing espesyal ang araw na iyon. Gets?


Advance Happy Valentine’s, mga Ka-BULGAR!  

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page