ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Feb. 3, 2025
Nitong umpisa ng taon, nanguna sa Netflix ang Incognito, ang seryeng pinagbibidahan nina Ian Veneracion, Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Anthony Jennings, Maris Racal, Kaila Estrada at Baron Geisler.
Saglit na napalitan ang action-drama series na ito ng Kapamilya Network sa pagiging Top 1.
Kalaunan, dahil sa magagandang reviews ng series na directed by Lester Pimentel Ong, muling sumigla at nakamit ng Incognito ang No. 1 spot sa Top 10 Shows ng Netflix.
Sa isang eksklusibong panayam kay Baron noong Biyernes, January 31, 2025, nagpahayag ng saya at pasasalamat ang aktor sa ‘di maipaliwanag na pagtangkilik ng mga taong patuloy na nanonood at tumututok sa serye.
Aniya, “Sobrang nakaka-bless! Hindi ko in-expect na ganito kainit ang pagtanggap ng tao sa Incognito.
“Ang saya sa puso na makita ang hard work ng buong team—mula sa cast, crew, hanggang sa production na nagbunga.
“I’m just grateful to be part of a project that resonates with so many people.”
Ayon sa aktor, kakaiba ang kuwento ng Incognito.
“I think malaking factor ang ganda ng kuwento at kung paano ito na-execute.
“Solid ang team namin, at bawat isa, committed na gawing makatotohanan at kapana-panabik ang bawat eksena.
“Pero higit sa lahat, siguro dahil may puso ang kuwento—may lalim, may aksiyon, may emosyon — at siyempre, ang suporta ng audience, sila talaga ang dahilan kung bakit nandito kami.
“Saka, ang gagaling ng mga direktor namin, si Direk Lester saka si Direk Ace Yan Bin. He brings out the Hong Kong/Hollywood feels to the fight scenes,” pagmamalaki pa ni Baron Geisler.
SA March 23, 2025, gaganapin ang pagbibigay-parangal sa mga celebrities na nagpakitang-gilas at husay sa larangan ng telebisyon.
Ang 38th Star Awards for Television ay produced ng Airtime Marketing na pinamumunuan ni Tess Celestino-Howard at ididirek ni Eric Quizon. Gaganapin ito sa RCBC Theater, Makati.
Narito ang opisyal na listahan ng mga nominees para sa PMPC 38th Star Awards for TV.
Sa Best Drama Actress, nominado sina Andrea Brillantes (Senior High), Barbie Forteza (Pulang Araw), Bea Alonzo (Widows’ War), Belle Mariano (Can’t Buy Me Love), Jennylyn Mercado (Love.Die.Repeat), Jodi Sta. Maria (Lavender Fields), Kim Chiu (Linlang), at Marian Rivera (My Guardian Alien).
Sa Best Drama Actor, nominado naman sina Alden Richards (Pulang Araw), Coco Martin (FPJ’s Batang Quiapo), David Licauco (Pulang Araw), Donny Pangilinan (Can’t Buy Me Love), Jericho Rosales (Lavender Fields), Piolo Pascual (Pamilya Sagrado), Paulo Avelino (Linlang), at Ruru Madrid (Black Rider).
Para sa Best Drama Supporting Actress, kabilang sa listahan sina Aiko Melendez (Pamilya Sagrado), Cherry Pie Picache (FPJ’s Batang Quiapo), Glenda Garcia (Lilet Matias: Attorney-at-Law), Janine Gutierrez (Lavender Fields), Kaila Estrada (Linlang), Maricel Soriano (Lavender Fields), Pinky Amador (Abot-Kamay Na Pangarap), at Rochelle Pangilinan (Pulang Araw).
Sa Best Drama Supporting Actor, nominado sina Arnold Reyes (My Guardian Alien), Christopher de Leon (FPJ’s Batang Quiapo), Dennis Trillo (Pulang Araw), Elijah Canlas (FPJ’s Batang Quiapo), Joel Lamangan (FPJ’s Batang Quiapo), John Estrada (FPJ’s Batang Quiapo), Jon Lucas (Black Rider), at Zaijian Jaranilla (Senior High).
Sa Best Primetime TV Series, maglalaban-laban ang Black Rider, Can’t Buy Me Love, FPJ’s Batang Quiapo, Lavender Fields, Linlang, Pamilya Sagrado, Pulang Araw at Widows War.
Matindi ang kompetisyon kung maipapanalo ni Coco Martin ang Batang Quiapo laban sa Pulang Araw ng GMA-7.
Sa Best Daytime Drama Series, pasok sa listahan ang Abot-Kamay Na Pangarap, Ang Himala Ni Niño, Lilet Matias: Attorney-at-Law, Makiling, Nag-aapoy Na Damdamin, Padyak Princess, Pira-Pirasong Paraiso at Stolen Life.
Comments