top of page
Search
  • BULGAR

Niyaya pang rumampa rin sa Paris Fashion Week, Pia… HEART, KUMANTA KUNG BAKIT GUSTUNG-GUSTO SI ANNE

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 27, 2024



Doc Willie Ong at Jessica Sojo - KMJS

Masaya si Heart Evangelista para sa kaibigang si Anne Curtis na sumasali na rin sa mga international fashion weeks.


Matatandaang last year, Anne made her debut at the Paris Fashion Week (PFW) and this year naman ay dumalo siya sa Milan Fashion Week (MFW).


Sa bahagi ng isang video na ipinost ni Heart recently habang nasa Paris siya for PFW, makikitang pinuri-puri niya nang bonggang-bongga si Anne.


“Ang cute, cute ni Anne. Anne, I want you to have the moment,” sey ni Heart habang nakatingin sa Instagram (IG) post ni Anne tungkol sa MFW.


Sey pa ni Heart, sobrang bagay kay Anne ang suot nito. Pagkatapos ay niyaya niya si Anne na pumunta rin sa PFW.


“Dalian mo na, Anne, rampa ka na dito,” masayang pagyayaya ni Heart kay Anne.

Kasunod nito ay nagbalik-tanaw si Heart nu'ng mga panahong nagsisimula sila sa showbiz.


“I really appreciate Anne. You know, when we were growing up, alam mo ‘yun, parang we were both like, in showbiz, so it was a little bit stressful,” pagre-recall ni Heart.


Pero nang mag-mature na raw sila ay nakita niya ang kabaitan ni Anne.        


“But then as you know, as you age, you really discover (that) she has such a pure heart so it’s so nice na we are okay, and you know, we became good friends,” aniya.


Dagdag pa ni Heart Evangelista, “Yeah, I should spend time with Anne. She’s very nice, she’s very supportive, she’s a girl’s girl.”


Bongga!


 

NILINAW na ni Rabiya Mateo ang tunay na estado ng relasyon nila ni Jeric Gonzales. 

Natsitsismis na naman kasing hiwalay na sila dahil nag-unfollow ang beauty queen sa boyfriend sa Instagram (IG).


Sa latest episode ng The Boobay and Tekla Show (TBATS), sinabi ni Rabiya na so far ay taken pa naman siya which means sila pa rin ni Jeric.


“Medyo taken, charot,” ani Rabiya sa tanong kung kumusta na ang kanyang relationship sa May Pa-Prescon segment.


Tanong ng guest co-host na si Lexi Gonzales, “Paano ‘yung medyo taken?”

Sagot naman ni Rabiya, “Depende sa topak ko sa araw na ‘yun,” sabay tawa.


“Hindi, actually, I’m still in a relationship,” diretsong paglilinaw na niya.


Nang matanong nga ang tungkol sa ‘unfollow issue,’ ipinaliwanag ni Miss Universe Philippines 2020 na bad day lang siya that day at may monthly period pa.


“Ang bilis kasi ng mga Marites. Alam mo naman tayo, Lexi, Gazini, kapag parating ‘yung ‘dalaw’ natin, iba ‘yung topak natin, iba ‘yung init ng ulo natin. So may day, it was a bad day, and then I blocked Jeric,” natatawang tsika ni Rabiya.


“Hindi ko naman ine-expect na mahahagilap agad ‘yun (ng netizens). Ipa-follow ko na s’ya dapat din kasi naging okey na kami that day, pero nakalimutan ko. Eh, wala na, sumabog na (ang issue),” paliwanag ng Kapuso star.


Ang nakakatuwa nga, nalaman lang daw ni Jeric na na-block siya kay Rabiya sa socmed (social media) din.


“Si Jeric nga ‘yung unang nagsabi sa ‘kin, kasi nalaman n’ya pa na na-block ko s’ya through social media. Sabi n’ya, ‘Oh, may issue kumakalat’ na hindi na raw kami. Pero we were together that day, tapos sabay din kaming lumipad ng country. Kakabalik lang namin from Taiwan,” kuwento pa niya.


Paglilinaw niyang muli, “I know maraming kuwento, maraming blind items na nangyayari, wala pong katotohanan po ‘yun. Me and Jeric, we’re okay.”

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page