ni Lolet Abania | August 1, 2020
![Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.](https://static.wixstatic.com/media/2fdd27_a0f3d66c0d7a491680e448f586afbad0~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_auto/2fdd27_a0f3d66c0d7a491680e448f586afbad0~mv2.jpg)
Niyanig ng 4.2-magnitude na lindol ang Eastern Samar, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Naramdaman ang paggalaw ng lupa ng bandang alas-3:51 ngayong umaga, August 1 sa Mercedes.
Ayon sa Phivolcs, ang pagyanig ay tumama sa bahagi ng Eastern Samar na matatagpuan sa 11.19°North, 125.76°East – 011 km North 30° East ng Mercedes. Ang lindol ay tectonic in origin at may lalim na 043 kilometers.
Gayunman, walang naiulat na nasirang gusali at aftershocks matapos ang pagyanig. Wala ring naitalang intensity sa ibang lugar, ayon pa sa Phivolcs.
Patuloy na pinapayuhan ang publiko na manatiling mapagmatyag at maging maingat sa anumang oras.
Коментарі