top of page
Search

Ninoy Aquino, ginunita ng mga supporter sa Bantayog ng mga Bayani

BULGAR

ni Lolet Abania | August 21, 2022



Nagsama-sama ang mga grupo ng mga supporters para parangalan ang yumaong si Senator Benigno “Ninoy” Aquino, Jr., sa ika-39 anibersaryo ng kanyang kamatayan, sa Bantayog ng mga Bayani sa Quezon City, ngayong Linggo, Agosto 21. Sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, bumisita sina Ballsy Aquino-Cruz at Viel Aquino-Dee sa puntod ng kanilang mga magulang na sina Ninoy at dating Pangulong Cory Aquino, at kapatid nilang si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, na nag-iisang lalaki sa magkakapatid na Aquino. Ang pinakabata naman sa kanila na si Kris Aquino ay kasalukuyang nasa United States para sa isinasagawang treatment sa kanyang autoimmune diseases. Matatandaan na si Senator Ninoy ay na-assassinate noong Agosto 21, 1983 sa panahon ng pagbabalik nito sa Manila mula sa self-exile sa United States. Noong Agosto 3, 2020, si dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inaprubahan ang listahan ng mga regular at special non-working days para sa 2021 – kung saan kabilang dito ang Agosto 21 bilang Ninoy Aquino Day – sa pamamagitan ng Proclamation 986 na nilagdaan noong Hulyo 30, 2021.



0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page