top of page
Search
BULGAR

Ninja cops, mañanita cops, land grabber, illegal logger, berdugong pulis...

Kahihiyan ng mga pulis, tapusin na! - Binay

ni Ronalyn Seminiano Reonico | December 21, 2020




Pagsasailalim sa values re-orientation ng lahat ng miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang naging panawagan ni Senator Nancy Binay matapos ang insidente ng pamamaril at pagpatay ng isang pulis sa mag-ina sa Tarlac noong Linggo.


Pahayag ni Binay, “Kailangan ng matinding across-the-board values re-orientation ang buong hanay ng PNP natin, dahil tila nakakalimutan na ng marami ang sagradong tungkulin nila na maglingkod at protektahan kahit 'yung pinakaabang Pilipino.


“May ninja cops, mañanita cops, ex-cop na land grabber at illegal logger, berdugong pulis—buong taon may nakakahiyang headline tungkol sa pulis. Ano na ba ang ginagawa ng liderato tungkol dito? The people expect the police to be their defenders, not their offenders."


Hindi rin pinalagpas ni Binay ang isyu ng paglabag sa batas ng may matataas na posisyon sa hanay ng kapulisan na na-promote pa katulad ni PNP Chief Debold Sinas na matatandaang sangkot sa "mañanita controversy" sa kabila nang mahigpit na pagpapatupad ng health protocols dahil sa COVID-19 pandemic.


Aniya, "Wala nang takot, dahil tila hindi naman na yata sila napaparusahan. Kadalasan napo-promote pa nga.”


Saad pa ni Binay, "Rather than being the people’s assurance of law and order, lately many of our cops are becoming the face of terror and impunity, blatantly disregarding the rule of law and spitting on our values. Tama na, sobra na, kailangang itigil na ang pang-aabuso.”

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page