ni Julie Bonifacio - @Winner | June 7, 2022
Pagkatapos ng last post ni Kris Aquino sa kanyang social media accounts sa tunay na lagay ng kanyang kalusugan at mga treatment na kailangan niyang pagdaanan, ibinulgar ni Robin Padilla ang naging bahagi ng TV host-actress sa pagiging number one niya sa ranking ng mga nanalong senador.
Ini-reveal din ni Robin na ipinagluluto pala ng pagkain ng misis niyang si Mariel Padilla si Kris. At kahit mahirap mag-intake ng solid food si Kris, ipinapaalam pa rin daw nito kung gaano niya ina-appreciate pati na ng pamilya niya ang ipinapadalang pagkain nina Robin at Mariel sa kanya.
Sa dami ng celebrity friends ni Kris, especially nu'ng namamayagpag siya sa showbiz, we wonder kung marami rin ang nakaalala sa kanya gaya nina Robin and Mariel.
Sa comment section ng “pamamaalam” post ni Kris sa kanyang Instagram, may nagbanggit ng pangalan ni Toni Gonzaga na ikinukumpara kay Anne Curtis na nag-post ng “Big hug ate (Kris)…praying for your recovery.”
Comment ng netizen, “Mabuti pa 'tong si Anne Curtis, 'di nakakalimot. Pero may tuluyan nang na-AMNESIA girl, si TONI @celestinegonzaga @cathygonzaga @mommypinty mga KAKAPAL ANG LIPS... kadiri pa Christian.”
May sumagot na netizen sa comment na ‘to at dinepensahan 'di lang si Toni kundi pati na ang sister niyang si Alex Gonzaga.
“Bakit kailangan mong idamay or banggitin at ikumpara 'yung magkapatid na Gonzaga? Maalala man nila or hindi, wala ka nang pakialam du'n.”
Hirit pa ng basher ni Toni, “Ninang nina @celestinegonzaga at @paulsoriano1017 si Kris Aquino. Pero nasilaw 'yung mag-asawa ng talent fee ni BBM, eh, tax evader 'yung sinuportahan nila. Kapal, nakalimot talaga sila kay Kris."
Sabi naman ng isang netizen, “As far as I know, 'yung Amanpulo honeymoon trip nila, gift ni Kris.... Oo nga 'noh, why cannot extend messages to Kris? Anyways, hayaan na natin, ganu'n talaga ang life!”
Anyway, nakarating na marahil si Kris sa Houston, USA kung saan nandoon ang mga kakailanganin niyang gamot for more or less two years na treatment.
And if ever nga na nakaalis na sa bansa si Kris, she did it very quietly.
Finally, ipapalabas na ang mala-sci-fi action movie ng international award-winning actress na si Jhassy Busran, ang Genius Teens on June 25.
Nabanggit sa amin ni Jhassy ang tungkol sa kanyang first superhero film last year when she appeared sa #CelebrityBTS Bulgaran Na online show ng BULGAR.
Nag-shoot si Jhassy for Genius Teens during the COVID-19 pandemic. Tamang-tama
naman dahil bukas na rin ang mga sinehan kaya mas exciting panoorin ang Genius Teen sa big screen.
Gagampanan ni Jhassy ang character ni Xerox sa movie. Si Xerox ay isang simpleng estudyante na may telekinetic power. May pagka-Eleven ng Stranger Things US series pala ang role ni Jhassy sa Genius Teens, hah?
“'Yung sa role itself naman po, I think you have to watch it kasi marami talaga kayong aabangan dito sa movie na 'to, ‘yung versatility ko po, at very different po ito with my other movie and short film po,” pahayag ni Jhassy.
“Nu’ng shinoot po ‘yung Genius Teens, nasa gitna ng pandemya kaya po mahirap siya in terms of mga health protocols na need sundin. We have to wear face mask, face shields all the time. 'Di kami puwedeng lumabas ng room 'pag 'di namin eksena. Sobrang hirap po like makipag-socialize with your co-actors,” kuwento ni Jhassy.
Ang Italian director na si Paolo Bertola ang nagdirek ng Genius Teens. Kasama ni Jhassy sa movie sina Bamboo B., Cassie Kim, Ernest Magtalas and many more.
“What excites me is the possible reaction of the viewers. We really did a lot of work here so I hope they’ll like and support it,” sabi niya.
Jhassy won two international acting awards para sa first short film niya titled Pugon with
veteran actor Soliman Cruz sa direksiyon ni Gabby Ramos.
Napanalunan ni Jhassy not just the Best Actress trophy kundi ang jury’s Best of the Best Award sa Manhattan International Film Festival this year para sa performance niya sa Pugon.
On the said short film, pinarangalan din si Jhassy bilang Best Child Actress sa Gully International Film Festival & Awards in India.
Huling napanood sa big screen si Jhassy sa kauna-unahang pelikula na naipalabas sa mga sinehan after almost two years due to COVID-19 pandemic, ang Caught In The Act directed by Perry Escaño bilang isa sa mga official entries sa 2021 Metro Manila Film Festival.
Samantala, katatapos lang daw ng school ni Jhassy. Consistent honor student siya sa kanilang school and last school year, siya ang salutatorian sa class nila.
“I can now focus more on my career. May mga aabangan pa po kayo sa 'kin kaya sana, mahintay n'yo po at suportahan n'yo po ako,” hiling ni Jhassy.
Again, showing na ang Genius Teens sa mga sinehan on June 25.
留言