top of page
Search

Ninang ng anak ng showbiz couple… PAMILYADONG SWISS GIRL, ITINUTURONG THIRD PARTY KINA ANDI AT PHILMAR

BULGAR

ni Nitz Miralles @Bida | Feb. 9, 2025





Deactivated na ang Instagram (IG) ni Pernilla Sojoo, hindi nito nakayanan ang pamba-bash sa kanya ng mga netizens dahil siya ang itinuturong dahilan ng away at un-follow-han nina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.


Si Philmar ang napupuruhan ng mga bashers at lahat ng gustong mag-comment dahil active pa ito sa socmed (social media).


Tanong ng mga netizens, hindi raw ba ipagtatanggol ni Philmar si Pernilla sa tindi ng bashing na ibinabato rito?


Nalaman namin na Swiss itong si Pernilla, 2013 pa tumira sa Siargao kaya marami nang kaibigan kabilang si Philmar.


Ninang siya ni Lilo, panganay na anak nina Andi at Philmar. May Filipino partner din ito at may mga anak.


May nakita kaming picture niya na may karga at kini-kiss na bata at ang isang bata ay nakaupo sa tabi niya. Inisip namin na baka mga anak niya ang dalawang bata.

Nalaman din namin na ang “224” sa tattoos nina Philmar at Pernilla, ang ibig sabihin ay “2day, 2morrow, 4ever.” 


Ang sweet nga naman at ang nakakaloka, walang ganu’ng tattoo sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo.

 

This Sunday, ia-announce sa All-Out Sundays (AOS) kung sino ang Kapuso na makakasama nina Bianca Gonzalez at Robi Domingo na magiging host ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCE)


Kani-kanyang hula ang mga Kapuso fans at maging Kapamilya fans. Pangalan nina Alden Richards, Gabbi Garcia, Heart Evangelista, Iya Villania, at Dingdong Dantes ang kabilang sa mga nababanggit.


Pero, dahil buntis si Iya at baka hindi pa nakakapanganak kapag umere na ang PBBCE sa GMA-7, malabo na siya ang maging co-host. 


Si Dingdong naman, host na ng Family Feud (FF) at Amazing Earth (AE).

Puwede si Heart, kaya lang busy ito sa mga fashion week.


Ang last two na sinasabing malaki ang chance na sila ang mapiling maging co-host ay sina Gabbi at Alden. Si Gabbi, ibini-build-up bilang host, kaya lang, may sisimulan itong series. Si Alden ang may malaking posibilidad lalo na’t nabanggit na pahinga muna siya sa acting at focused muna bilang host.


Kaya lang, nabanggit nito na new concept ng show ang kanyang iho-host, kaya malabong PBBCE ito. Sa March na raw ang start nila ng taping at sa June naman ang airing. Gustong malaman ng mga fans kung kailan ang airing ng PBB para mapagtagpi-tagpi nila ang nabanggit na schedule ni Alden.


May natutuwa sakaling si Alden nga ang Kapuso na magiging co-host ng PBBCE, pero meron namang kumokontra, iba na lang daw ang piliin para iwas-basher ang aktor.

Para hindi na mahirapang manghula, abangan na lang natin ang announcement sa AOS ngayong Linggo. Sino nga kaya kina Alden at Gabbi ang magiging co-host ng PBBCE.


And speaking of Alden, ini-announce nito na may special number sila ni Heart sa AOS mamaya, birthday presentation daw ng fashion icon/aktres na kaarawan sa February 14. 


Excited ang aktor dahil ngayon lang makakasama sa prod number si Heart. Kaya lang, nakabalik na kaya ng bansa si Heart Evangelista mula sa pag-attend sa Paris Fashion Week?


 

Bagay na bagay daw sa ex mo, Barbie…

JACKIE, TANGGAP NG FANS PARA KAY JAK





Puro “Bagay sila!” ang nabasa naming comments sa dance video nina Jackie Gonzaga at Jak Roberto dancing to Earth Wind & Fire song na Let’s Groove


Ang dami agad nag-like ng dance video, kahit medyo asiwa pa si Jak umindak.

Tanong ni Jak, “Ilang takes ‘to @jackiegirlg” at sinundan ng “Let’s go! @JackieGonzaga pwede na magprod! Hahaha!” na caption ni Jak sa TikTok.


Dahil bagay, marami ang nanunukso at marami ang pabor na maging sila. Parang hindi malabong magkainlaban sila dahil single si Jak at single rin yata si Jackie, kaya wala silang maaagrabyadong tao.


Maaalalang nang mag-guest si Jak sa It’s Showtime (IS), tinukso na sila ni Jackie at ang naging sagot ng Kapuso aktor ay “3 months.” Ibig sabihin, he will wait for 3 months bago ligawan si Jackie dahil may ganu’ng rule ang mga bagong hiwalay sa dyowa, palipasin ang three months bago muling magkarelasyon.


Parang more than three months na after ng breakup nina Jak at Barbie Forteza, kaya puwedeng-puwede nang manligaw si Jak Roberto kay Jackie Gonzaga. Pati pangalan ng dalawa ay magkapareho. Sabi tuloy ng mga netizens, meant to be sila.

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page