top of page
Search
BULGAR

Nilayasan ng mag-ina, lumipad abroad… IBINUKING NI PRISCILLA: JOHN, SI LILY HALLMAN ANG KASAMA SA BORACAY

ni Beth Gelena @Bulgary| July 16, 2024



Showbiz News

Usap-usapan ng mga netizens ang matapang na komento ng misis ni John Estrada na si Priscilla Meirelles sa Instagram post ng aktor kamakailan kung saan makikitang nasa isang hotel si John na may swimming pool sa background at nilagyan niya ng caption na: "What an awesome place."


Muling lumikha ng ingay si Miss Earth 2004 Priscilla Meirelles matapos ang kanyang makahulugang komento sa post ng mister. 


Sinagot niya kasi ang tanong ng isang netizen kung sino raw kina Lena (Mercedes Cabral) at Marites (Cherry Pie Picache) ang kasama ni Rigor (John) na mga karakter ng tatlo sa serye na Batang Quiapo.


Ang reply ni Priscilla sa nagtanong, "Si @Lily Hallman_"

Dagdag pang komento nito, “Looking very divorced Mr. Estrada @Lily Hallman_”


Agad itong naging usap-usapan sa social media, na nagdulot ng sari-saring reaksiyon mula sa mga netizens. 


Sa kasalukuyan, naka-off na ang comment section ng post na ito ni John Estrada at hindi na makita ang komento ng former beauty queen. 


Base sa mga posts ni Priscilla sa social media, nasa abroad siya kasama ang anak nila ni John na si Anechka. 


Hanggang ngayon ay tila hindi pa natatapos ang isyu sa mag-asawa nitong mga nakaraang buwan. Patuloy ang usap-usapan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila lalo na’t tila may mga pahiwatig si Priscilla sa kanyang mga komento at posts. 


Sa kabila ng mga haka-haka, wala pang opisyal na pahayag mula kay John ukol dito. 

Samantala, nagsalita na si Priscilla tungkol sa pinagdaraanan niya sa kasalukuyan. 


Sa kanyang Facebook (FB) Live, sinabi niyang kinailangan niyang umalis para makapag-isip at para mapagplanuhan ang future niya at ng kanyang anak. 


Dagdag pa ng former beauty queen, dapat ay maging maingat sa mga bagay na ginagawa ang mga tao dahil sa mga maaaring maging consequences nito. 

“I refuse to let it pass, anything from this point onwards,” aniya. 


Binanggit din niya na may sukdulan ang pagiging mapagpasensiyanihang tao at kabaitan. Ang kanyang mga pahayag ay nagbigay-linaw sa mga espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon ng mister na si John Estrada, dahilan para magdulot nang iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. 


Si Priscilla ay naging Miss Earth nu’ng 2004 at ikinasal kay John nu’ng 2011.

Well, may kabit nga ba si John? At ang nasabing babae ba ni Priscilla Meirelles sa comments ang third party na si Lily Hallman? 


Bukas ang BULGAR para sa kampo ni John Estrada.  


 

Nawindang si Angelica Panganiban sa ipinadalang basket of flowers ni Kim Chiu pagkatapos ng kanyang surgery. 


Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram (IG) Stories ang lovely basket of flowers na natanggap mula sa kanyang bestie na si Chinita Princess. 


Isang napakaganda at napakaraming bulaklak na nakalagay sa basket, na halos hindi magkasya sa mesa sa laki.


Ang caption nga ni Angge, “Buti nagkasya sa pintuan namin. Love you, Momsy @chinitaprincess.”


Hanggang ngayon ay still on recovery pa rin ang aktres sa kanyang hip operation. 

Sey nga ni Kim, “Angge is still recovering from her hip surgery, and anything that could make her smile might really be welcome.”


Isang netizen ang nagtanong, after daw ba ng operasyon ni Angge ay babalik na siya sa pag-arte lalo na sa teleserye? Nami-miss na raw kasi si Angge ng kanyang mga supporters. 


Ang huling teleserye na ginawa ng aktres ay ang Walang Hanggang Paalam (WHP) kasama sina Zanjoe Marudo at Paulo Avelino. 


Though nagsabi na noon si Angelica na last teleserye na niya ang WHP, naniniwala ang mga netizens na babalik o gagawa pa rin ng serye ang aktres.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page