ni Thea Janica Teh | December 2, 2020
Ipinasara muli ang kabubukas lang na Night Market sa Harrison Road sa Baguio City matapos dumugin ng mga mamimili sa kabila ng pinaiiral na distancing protocol ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay Baguio Tourism Officer Alec Mapalo, hindi nito inaasahan ang pagdumog ng tao.
Aniya, "Medyo kinabahan kami. We did not expect na napakalaking turnout but I think it just shows how people are really kept for so long in their homes and been wanting to go out and having fun outside.”
Aaralin na ng Baguio City Public Information Office ang mga solusyon upang mapanatili ang pagsunod sa health protocols at hindi maulit ang insidente.
Agad namang inako ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang insidente at sinabing ipasasara agad ang pamilihan na maaaring maging dahilan ng pagkalat ng virus.
Kilala ang Night Market na ito dahil sa mga murang bilihin tulad ng mga pagkain at damit.
Comments