ni Ambet Nabus @Let's See |May 30, 2023
Marami naman ang nakapansin sa beauty queen na si Nicole Cordoves, isa sa tatlong hosts ng katatapos lang na Binibining Pilipinas 2023 coronation night.
Mukha raw kasing hindi naiwasan ng talented at smart beauty queen ang naging reaksiyon niya nang malamang may Marcos sa hanay ng mga judges.
Ayon sa mga nakasaksi, hindi lang daw nag-iba ang tono ng boses nito kundi tila napangiwi pa nang ipakilala ang bunsong anak ni President Bongbong Marcos na si William Vincent Marcos bilang isa sa mga judges.
Kasama nito sa panel sina Hidilyn Diaz, Jasmin Selberg, Peter Zwiener, Honey Lacuña, Piolo Pascual, Small Laude, Anton San Diego, Dolly De Leon, at ang tinilian ng mga Gen-Z na si Josh Cullen.
Tinilian din naman si Papa P (Piolo), pero tila panahon nga ngayon ng mala-Koreanong member ng SB19 na si Josh na very handsome sa kasuotan niya.
Nagmistulang toast ng international cinema scene ang dating ng character actress na si Dolly at mapapanganga ka na lang sa mala-Hollywood nitong aura sa naturang beauty competition.
But in all honesty, mas bet namin ang naging staging ng Binibining Pilipinas 2023 kumpara sa Miss Universe-Philippines 2023 kahit pa sandamakmak ang international guests ng huli.
Well, iba talaga ang original.
Comments