top of page
Search

Nguso ng aktor, nakuha… ZANJOE, SA XMAS NA IPAPAKITA ANG MUKHA NG ANAK

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Nov. 11, 2024



Photo: Zanjoe Marudo at Ria - IG


How To Get Away From My Toxic Family, ito ang bagong pelikula ni Zanjoe Marudo na sisimulan niyang i-shoot ngayong araw, Lunes November 11, mula sa direksiyon ni Lawrence Fajardo under OgieD Productions, Inc.


Yes, si Ogie Diaz ang producer ng pelikula dahil kuwento niya ito na base sa mga naging karanasan niya at ng iba bilang breadwinner at ipinasulat niya kay John Bedia.

Dalawang taong hindi gumawa ng project si Zanjoe, pero nang mabasa raw niya ang script ay talagang gusto niya dahil isa rin siya sa mga tinutukoy sa kuwento bilang breadwinner.


Kuwento ni Z (tawag sa aktor) ay sadyang humingi siya ng workshop para sa bagong atakeng gagawin sa karakter niya na sobrang toxic ng pamilya nila. 


Napansin din ng ilang imbitadong media na magkakahawig ang pamilya nina Zanjoe na kinabibilangan nina Susan Africa, Richard Quan, Lesley Lina, Juharra Asayo, Keena Pineda at may partisipasyon si Nonie Buencamino.


Sabi ni Zanjoe, “Hindi mo naman mapipili ang kung sino ang pamilya mo, siyempre, tanggapin mo lalo na kung nangailangan, tutulungan mo kasi ikaw ‘yung nakakaluwag. Intindihin mo na lang. Hindi naman ‘yan tutulungan ng ibang tao, ‘di naman magiging habambuhay siguro ‘yan.”


Pero ngayong may bago na siyang pamilya ay ang sarap daw sa pakiramdam, na ngayon lang niya naramdaman sa buong buhay niya, kaya naman magsusumikap siya para maging maayos ang mag-ina niya.


Natanong din kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa ipinakikita nina Z at Ria Atayde-Marudo ang kanilang anak sa publiko.


“Hindi ko naisip ang name reveal o face reveal, ‘pag may nagtanong at gustong makita (ay) ipinapakita ko at sinasabi ko ang pangalan, pero hindi para ihaharap o i-post ko sa online.


“Wala pa s’yang 2 months, masyado pang bata kaya hindi ko makita ‘yung point kung bakit ko siya kailangang i-post sa online.


“Malay n’yo next week o sa Christmas, may family photo na kami na sa tingin ko, mas proper, mas tamang set-up para sa family kung gusto n’yo kaming makita, ipapakita ko sa inyo,” esplika ng aktor.


Ipinakita ni Z ang video ng anak na tumatawa at base sa tingin namin ay nakuha ng anak ang nguso ng aktor na sinabi rin na pareho sila. Ang malalaking mata ni Baby Z ay parang nakuha rin kay Ria at ang pagtawa ng bagets ay kuha rin sa aktres.  


Hating Marudo at Atayde ang hitsura ng pinakaunang apo at pamangkin ng mga Atayde pero sa pamilya ng aktor ay bunsong apo ito sa kasalukuyan.


Nabanggit din ni Zanjoe na gusto sana niyang maging lima ang anak nila pero kung ano ang ibigay ng Diyos ay tatanggapin niya.


At dahil breastfeeding si Ria sa anak kaya matatagalan pa itong makabalik sa showbiz. ‘Yan ay kung gusto pa niya, lalo’t tutok siya sa anak at siya rin ang namamahala ng production company nilang Nathan Studios.


Anyway, mapapanood ang How To Get Away From My Toxic Family sa January 22, 2025 at exclusive ito sa SM Cinemas.


 

Pati bawal itanong, itinanong… 

MELAI, NATAKOT SAPAKIN NI JK SA INTERBYU



Sa ikalawang season ng online show ni Melai Cantiveros-Francisco na Kuan on One ay natanong siya kung may chance na maging guest niya si Kris Aquino na balitang magbabalik na sa hosting job.


“Si Ms. Kris, sobrang sweet, welcome to the Philippines, pero ‘di siya basta-basta puwedeng salubungin kasi sa kanyang condition. But then kasi, sobrang close to my heart ang makakasama ni Kris sa kanyang show, sina Ms. Darla (Sauler) at Ma’am Jasmin (Pallera) kaya abangan natin ‘yung show n’ya.


“Pero kung interbyuhin ko si Ms. Kris, why not, walang problema. Ang problema nito ay ‘di s’ya Bisaya, so, sobra akong happy ‘pag mangyari ‘yun, eh, alam n’yo naman na si Ms. Kris ang ating Queen of Talk Show talaga ‘yan,” kuwento ni Melai.


Inamin din nitong marami siyang natutunan in terms of hosting din kay Kris at lalo siyang humusay nang mapasama sa Magandang Buhay kasama sina Jolina Magdangal at Regine Velasquez.


Samantala, simula ngayong araw, Lunes, November 11, mapapanood ang Season 2 ng Kuan on One at si JK Labajo ang opening. 


Ani Melai, natakot daw siya sa binata.


“Talagang natakot ako kay JK kasi baka manuntok s’ya. Hahaha! Kasi masyado ba akong kampante sa mga tanong ko na personal na hindi yata puwedeng matanong pero natanong ko at sinagot naman niya nang diretso. So, medyo kinabahan ako, abangan ninyo ‘yung episode,” kuwento ni Melai.


Kasama rin sina Morissette, mag-inang Sylvia Sanchez at Gela Atayde sa mga taga-showbiz na mapapanood sa show, at sa sports ay makakausap niya ang volleyball player na si Sisi Rondina ng Choco Mucho Flying Titans.


Makakasama rin ni Melai ang content creator, Bisaya host mula sa Davao na sina Chito Samontina at Davao Conyo.


May interbyu rin si Melai sa Drag Race Queens na sina Hana Beshie at Khianna, at pati kina Pinoy Big Brother (PBB) housemates Jas Dudley-Scales at Binsoy Namoca.


At ang isa sa mga dream interviewees niya ay ang dating senador na si Manny Pacquiao.

“Gusto ko itanong kay Sir Manny Pacquiao na ano ang feeling na ganito ka-powerful yet very humble. Hindi mo ‘yan makitaan ng mga alahas sa katawan, ‘di ba? Isang relo lang ‘yan (suot), so, gusto kong malaman kung ano’ng wisdom ang makukuha sa kanya kasi kahit mayaman na sila, ‘pag nasa bahay ay nandoon pa rin ang pagka-Bisaya, eh,” say ng TV host-actress.


Mapapanood ang Kuan on One sa ABS-CBN Entertainment, na may bagong mga episodes na nag-i-stream nang 24-oras nang libre sa iWantTFC.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page