top of page
Search
BULGAR

Ngayong pandemic, puwedeng rumaket basta legal

@Editorial | April 22, 2021



Likas sa mga Pinoy ang pagiging madiskarte.


‘Ika nga, hindi tayo basta-basta sumusuko at naitatawid pa rin ang bawat araw sa gitna ng anumang problema, tulad ngayong may pandemya.


Bagama’t may mga nawalan ng trabaho o kabuhayan, hindi ito naging dahilan para magmukmok at bahala na kung paano mabubuhay. Marami ang muling bumangon, naghanap ng ibang trabaho, sumugal sa pagnenegosyo, sumubok ng anumang mapagkakakitaan na puwede.


Gayunman, hindi pa rin nawawala ang mga pasaway. Sa halip na lumaban sa malinis na paraan, mas pinili pang rumaket nang ilegal.


Tulad ng dalawang inaresto dahil sa pagsasagawa ng home service na RT-PCR tests kahit hindi sila lisensiyado. Isang pamilya ang nagpa-test sa mga suspek at nang magduda sa paraan ng pagsa-swab at wala ring ibinigay na resibo, isinumbong nila ito sa mga awtoridad.


Isa sa mga suspek ay aminadong hindi lisensiyadong nurse, doktor o medical technologist para mag-swab. Ginawa lang daw niya ito dahil sa pera. Kung lahat ng nangangailangan ay ganito mag-isip at magdahilan, ano nang mangyayari? Tiyak na habang tumataas ang kaso ng COVID-19, tataas din ang krimen.


Ayos lang na rumaket pero, sana sa legal tayo. Mas masarap sa pakiramdam ang makapag-uwi ng pagkain sa pamilya na galing sa malinis na paraan.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page