top of page
Search
BULGAR

Ngayong Nobyembre dapat mailipat na sa PESONet participating bank..

ang savings account ng mga pensiyunado

@Buti na lang may SSS | October 11, 2020


Dear SSS,


Ako ay SSS pensioner. Totoo bang kinakailangang ilipat ko ang aking savings account sa PESONet participating bank? – Julio


Sagot

Kinakailangang tiyakin ng mga pensiyunado na ang bangko kung saan idinedeposito ang kanilang pensiyon ay kasama sa mga bangko na nasa ilalim ng Philippine Electronic Fund Transfer System and Operations Network (PESONet).


Maaari kayong magtungo sa website ng Bangko Sentral ng Pilipinas upang makita ang kompletong listahan, https://bit.ly/33ZLWO2. Kung bahagi na ng PESONet ang bangko ninyo, hindi na kailangang ilipat ang inyong savings account para sa inyong pensiyon.


Gayundin, kung kayo ay tumatanggap ng pensiyon sa pamamagitan ng mga bangkong nakalista sa ibaba, hindi na rin ninyo kailangan magpalit ng bangko. Sa kasalukuyan, inaasikaso na nila na maging bahagi sila ng PESONet.

  • Bangko Mabuhay (A Rural Bank), Inc.

  • Bangko Nuestra Señora Del Pilar

  • Cantilan Bank, Inc. (A Rural Bank)

  • Cooperative Bank of Quezon Province

  • Guagua Rural Bank

  • Money Mall Rural Bank, Inc.

  • Queen City Development Bank

  • Rural Bank of Digos, Inc.

  • Rural Bank of La Paz

  • Rural Bank of Porac (Angeles City)

  • Rural Bank of Rosario (La Union), Inc.

  • Rural Bank of Sta. Ignacia

Kung ang bangko ninyo ay wala sa listahan ng PESONet participating banks na nasa BSP website o sa mga bangkong na nasa itaas, binibigyan kayo ng SSS ng hanggang Oktubre 31, 2020 upang ilipat ang inyong savings account sa alinmang PESONet participating banks.


Maliban sa PESONet participating banks, maaari rin ninyong piliin ang alinmang remittance transfer companies (RTCs)/cash payout outlets (CPOs) na accredited ng Development Bank of the Philippines (DBP) para tanggapin ang inyong pensiyon. Dagdag pa dito, maaari kayong tumanggap ng pensiyon gamit ang e-wallet gaya ng PayMaya o kunin ito nang personal sa pamamagitan ng DBP Cash Padala sa M Lhuillier.

Pinapayuhan din namin ang mga pensiyunadong i-enroll ang kanilang savings account o ang kanilang mobile number para sa e-wallet at RTC/CPO sa My.SSS na matatagpuan sa SSS website (www.sss.gov.ph). Kinakailangan lang na mag-log in sila sa kanilang My.SSS account. Magtungo kayo sa “E-SERVICES” tab at i-click ang “Disbursement Account Enrollment Module.”


Nilalayon ng SSS na tuluyan nang iwan ang pag-iisyu ng tseke para sa pagbibigay ng buwanang pensiyon. Sa kasalukuyang pamamaraan, nag-iisyu ng tseke ang SSS na siyang idinedeposito sa savings account ng mga pensiyunado. Dahil dito, nakipag-partner ang SSS sa DBP upang maging checkless na ang pagbibigay ng pensyon. Simula ngayong buwan ang pagbibigay ng pensyon sa pamamagitan na ng DBP na siyang magre-release nito sa mga PESONet participating banks at mga accredited na RTC/CPO.


◘◘◘


Para sa tamang impormasyon at updates sa mga programa at benepisyo ng SSS, hinihikayat namin ang mga miyembro at employer na bisitahin at i-follow ang opisyal na Facebook page ng SSS sa “Philippine Social Security System” o sa aming Twitter account sa @PHLSSS. Maaari ding mag-subscribe sa aming YouTube channel sa “Philippine Social Security System.”


◘◘◘


Kung mayroon kayong mga katanungan ukol sa SSS o kaya ay mayroon kayong paksa na nais talakayin sa pitak na ito, maaari kayong magpadala ng e-mail sa mediaaffairs@sss.gov.ph.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page