top of page
Search
BULGAR

Ngayong Labor Day — DOLE.. Taas sahod, wala, P1.8B ayuda, meron

ni Madel Moratillo | April 29, 2023




Maglalaan ng 1.8 bilyong piso ang gobyerno para sa mga kwalipikadong benepisyaryong manggagawa.


Ayon kay Labor Undersecretary Benjo Benavidez, ang halagang ito ay para sa assisstance ng pamahalaan sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng financial aid, kasama na ang emergency employment at livelihood assisstance.


Sa gitna na rin ito ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa sa Mayo 1.


Ayon sa opisyal, para sa Labor Day, mamamahagi ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng P100 milyon na sahod para sa mga benepisyaryo ng Tulong


Panghanapbuhay sa Ating Disadvantage/Displaced Workers o TUPAD sa Metro Manila.


May 50 milyong piso naman para sa nasa iba pang bahagi ng bansa.


Layon aniya nitong matugunan ang pangangailangan ng mga marginalized sector lalo na ang mga walang maayos na trabaho.


Patungkol naman sa isyu ng dagdag-sahod, tiniyak ni Benabidez na patuloy ang pag-aaral ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa mga petisyon na humihiling ng wage hike.


Nabatid na may 8 petition ang naka-pending sa iba't ibang mga rehiyon gaya sa Metro Manila, Calabarzon, Western Visayas at Central Visayas.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page