top of page
Search
BULGAR

Ngayong ika-57 kaarawan… 1 million volunteers sa house-to-house campaign para kay ‘Mama Leni’ – Aika

ni Zel Fernandez | April 23, 2022


Ngayong araw ng Abril 23, 2022, ipinagdiriwang ni presidential candidate VP Leni Robredo ang kanyang ika-57 kaarawan. At bilang regalo sa pangalawang pangulo, nanawagan sa isang Twitter post noong Huwebes, Abril 21, ang panganay nitong anak na si Aika Robredo.


Sa nasabing Twitter post, nag-imbita si Aika ng mga lalahok para sa malawakang house-to-house campaign para sa kanyang ina bilang pangangampanya sa plataporma nito para sa mga botante.


Tweet ni Aika, “Sa Sabado naman po, pa-birthday natin kay Mama @lenirobredo! Kaya ba natin sabay-sabay mag-house to house sa umaga? Tao sa tao, puso sa puso, let’s go!!”


Target umano ng mga supporters at volunteers na makapanghikayat ng isang milyong partisipante para sa naturang house-to-house campaign sa malaking bahagi ng bansa bilang regalo kay Robredo sa kanyang kaarawan.


Ang house-to-house campaign na gaganapin ngayong umaga ay isasagawa nang may iba’t ibang aktibidad para sa selebrasyon ng kaarawan ng bise-presidente sa Macapagal Avenue sa Pasay City.


“Sa gabi naman, birthday rally at street party — invited po lahat ng kulay!! Kita kits,” pahayag pa ng dalagang Robredo.


Kaugnay nito, isang Art Jam ng Bayan ang inaasahang gaganapin mamayang alas-2 ng hapon, kasunod ng People’s Rally at Street Party sa kahabaan ng Macapagal Avenue.


Hinikayat din ang mga kalahok na magsuot ng t-shirt na magre-representa ng kanilang hangarin para sa bansa — puti para sa kalusugan, asul para sa hanapbuhay, dilaw para sa edukasyon, rosas para sa maginhawang buhay, at pula para sa pagkain.


Bahagi ito ng pagpapalit ng campaign logo ni Robredo mula sa kulay rosas na maging bulaklak na may simbolo ng watawat ng Pilipinas. Nauna na nitong iginiit sa kanyang mga pangangampanya na siya ay magiging pangulo ng anumang kulay.


Sa isang Facebook post noon ni Bam Aquino, campaign manager ni Leni Robredo, ipinakilala nito ang bagong disenyo ng logo ni Robredo na nagpapahayag umano na ang bise-presidente ay hindi lamang lider sa kanyang mga tagasuporta na binansagang “kakampinks”, kundi isang pinuno para sa lahat ng mga Pinoy.


“Dalhin natin ngayon ang people’s campaign upang lumikha ng people’s government na tutupad sa pangarap ng bawat pamilyang Pilipino,” dagdag ni Aquino.


Sa hiwalay ding Facebook post, inimbita ni VP Leni ang mga tagasuporta nito na dumalo sa kanyang “party,” kasama ang panghihikayat sa mga “kakampinks” na magyaya umano ng kanilang “undecided friend” sa selebrasyon ng kanyang kaarawan.


“Tuloy-tuloy ang sigla ng ating kampanya, kaya tara na!”, ani Robredo.


Sa latest Tweet ni Aika, isang larawan na nakaakbay sa bise-presidente ang ipinost nito para batiin ang kanyang ina: “Happy birthday, Mama @lenirobredo! Anoman ang mangyari, parati tayong magkakampi (PS Kita-kits po tayong lahat mamaya!!).”




0 comments

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page