top of page
Search
BULGAR

NFL Team Titans, pinagmulta dahil sa COVID-19 outbreak

ni Gerard Peter - @Sports | October 30, 2020




Pinagmulta ng National Football League (NFL) ng America ang koponan ng Tennessee Titans ng $350,000.00 sa paglabag sa mga protocols na nagdulot sa liga ng pagkakaroon ng kauna-unahang Covid-19 outbreak sa kasagsagan ng season.


Inamin ng isang taong pamilyar sa naturang sports na makakatanggap ng naturang penalty ang 1999 AFC conference champion dahil umano sa pagpapahintulot na kumalat ito sa kanilang koponan na naging sanhi ng pagsiklab ng karamdaman.


Umabot na sa 24-katao, kabilang ang 13 manlalaro nito ang nagpositibo sa Covid-19 sa pagitan ng Setyembre 24 at Oktubre 11. Dahil sa outbreak ay napilitan ang NFL na ipagpaliban ang dalawang laro ng Titans at ilipat ang mga laro nito laban sa Pittsburgh Steelers at Buffalo Bills.


Nagsagawa na ang mga opisyales ng NFL at players association nito, kabilang ang mga eksperto sa mga infectious disease sa Nashville upang suriin ang mga videos at panayam sa mga manlalaro, coaches at iba pang mga tauhan ng nasabing koponan.


Dito natagpuan ng NFL na hindi sumusunod sa tamang health at safety protocols ang Titans matapos pumalyang magsuot ng mga masks sa lahat ng oras at walang sapat na kalinawan sa lahat ng manlalaro tungkol sa hindi pagkakaroon ng pagpupulong at pagsasaayos sapul ng isara ang pasilidad. Dahil rito ay maaaring mawalan ng ng draft picks o kaya’y mabigyan pa ng mga posibleng parusa. Ito ang mga naging dahilan upang magdesisyon ang NFL na pagmultahin ang Titans.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page