top of page
Search
BULGAR

NFA iwasang mag-import, sa local farmers lagi bumili ng pang-buffer stock, pero ‘wag mambarat!

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | April 20, 2023



Heto na naman ang hirit na importasyon ng bigas. Kamakailan lang, humirit ang National Food Authority (NFA) na umangkat ng 330k metric tons ng bigas bilang pampuno ng buffer stock nito. Pero laban-bawi lang ang peg kasi biglang umatras ang NFA sa importasyon.


Buti nga at binawi na nila dahil kung hindi, kawawa na naman ang ating farmers, makakakumpitensya ang mga imported na bigas at tiyak na wala na naman silang kikitain!


Eh, kung tutuusin, ang presyo ng imported rice ay nasa $490 hanggang $590 kada metric tons o P26.50 kada kilo hanggang P32.45 ang landed cost na mas mahal pa sa mga lokal na bigas mula sa ating mga magsasaka.


IMEEsolusyon na pang-buffer stock ang pagbili n’yo sa ating mga lokal na magsasaka para masuportahan pa natin ang kabuhayan ng ating local farmers! Di bah?


Mas makakatipid ang NFA sa lokal na bigas, abah, nasa P20 hanggang P21 lang naman ang kada kilo ng palay, ah! ‘Ika nga, nakatipid ka na, nakatulong ka pa sa ating mga magsasaka.


Pero pakiusap ko na mas taasan naman sana ang farmgate price ha, ‘wag n’yo hong baratin ang ating mga lokal na magsasaka!


Saka kung buffer stock ang pag-uusapan, hindi naman tumigil ang private importation ng bigas na makakadagdag pa rin ‘yan sa buffer stock natin.


Sa kabilang banda, pakiusap ko rin sa ating mga kasamahan sa gobyerno, pakibilisan ang pagpapalabas ng fertilizer at seed subsidy para maiwasang tumaas ang presyo ng bigas.


Lastly, reminder ko lang at palagi ko namang sinasabi na plis, ‘wag naman nating laging gawing solusyon ang importasyon agad. Eh, tanging mga trader at importers ang makikinabang d’yan, ‘di bah?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page