ni Jasmin Joy Evangelista | February 8, 2022
Nasawi ang isang bagong silang na sanggol at dalawang iba pa dahil sa COVID-19 complications sa Tarlac, ayon sa provincial government noong Linggo.
Sa latest bulletin, sinabi ng Tarlac government na mula sa bayan ng Concepcion ang 1-day-old baby girl habang ang dalawa ay 52-anyos mula sa Capas at 68-anyos mula sa Gerona.
Nakapagtala ang Tarlac ng 60 bagong kaso ng COVID-19 at 249 recoveries noong Linggo, kung saan ang kabuuang bilang ng active cases ay nasa 504.
Ang Tarlac City ang may pinakamaraming bagong Covid cases — 29, at sinundan ng Capas na may 14 cases at Gerona na may 7 cases.
Pinakamarami ring active cases sa Tarlac City na may 191, sinundan ng Concepcion na may 43 at Paniqui na may 40.
Mula nang magsimula ang pandemya noong 2020, nakapagtala na ang Tarlac ng 22,946 COVID-19 cases, kung saan 21,590 ang naka-recover habang 852 ang namatay.
Comments