ni MC @Sports | April 14, 2024
Kinapos sina Gen Eslapor at Kly Orillaneda para sa quarterfinals nang magmartsa ang tambalan nina New Zealand's Katie Sadlier at Meile Rose Green tungo sa 21-18, 16-21, 15-12 victory kahapon sa FIVB Volleyball World Beach Pro Tour Futures sa Nuvali Sand Courts ng Ayala Land sa City of Santa Rosa.
Unang nakontrol pa ng lady spikers ng Philippine Air Force ang napakainit na bakbakan at dominante hanggang second set pero nangibabaw na ang husay ng New Zealanders at tapusin ang laban sa loob ng 55 minuto.
Sinikap pa ng 5-foot-6 na si Orillaneda na makabawi sa third set. “It was mostly because of our errors,” saad ni Orillaneda. “We gave them some crucial points and it’s disappointing because we knew we could pull it off, we just didn’t execute."
“We need to be able to convert points in transition,” ayon sa 5-foot-7 na si Eslapor.
Habang sina Sadlier at Green, na maagang tinalo sa 24-26, 21-13, 15-4, sina Rēzija Puškundze at Loreta Cabule ng Latvia sa Round of 12 ay mahaharap sa quarterfinal showdown kontra German pair na sina Chenoa Christ at Anna-Lena Grüne.
Habang napasuko sina Alexa Polidario at Jenny Gaviola sa kompetisyon sa 10-21, 7-21 kontra sa Lithuanians Marija Karaliute at Urte Andriukaityte.
Sa men’s play, maganda ang laro ng Philippines’ AJ Pareja at Ran Abdilla sa second set matapos ang mabagal na simula pero malakas pa rin sina Banlue Nakprakhong at Wichaya Wisetkan ng Thailand para manalo, 12-21, 17-21.
Giniba nina Yusuf Özdemir at Batuhan Kuru ng Turkey ang New Zealanders na sina James Sadlier at Juraj Krajci, 21-13, 21-15, nanaig sina Germany’s Philipp Huster at Bennet Poniewaz kontra Ryo Tatsumi at Shiro Furuta ng Japan, 21-11, 21-14, pinaluhod nina Csanád Petik at Domonkos Dóczi sina Bence Tari at Bence Attila Stréli sa all-Hungarian match-up, 21-18, 21-14.
Comments