top of page
Search
BULGAR

New Moon sa ika-17 ng Setyembre... suwerteng araw sa paglipat ng bahay at pamimili ng gamit

ni Sr. Socrates Magnus II - @Karunungang Lihim| September 13, 2020



Bigyang-daan natin ang ilang impormasyon tungkol sa darating na New Moon sa ika-17 ng Setyembre, 2020.

Ang anumang bago ay masayang sinasalubong dahil ito ay may dalang bagong pag-asa, bagong buhay at bagong pakikipagsapalaran. Kapag dumating ang bago, ibig sabihin, may papalitan at ito ay ang luma o kasalukuyang mga kaganapan.


Sa bago, kakaibang sigla, tuwa at kagalakan ang hindi maiwasang maramdaman. Sa ganitong katotohanan, marapat lang na harapin natin ang New Moon sa ika-17 ng Setyembre nang may panibagong lakas at personalidad.


Para sa mga gustong lumipat ng tirahan o bahay, mas magandang isagawa ito sa New Moon nang sa gayun ay umayon sa batas ng katalagahan ang pamilya o taong lilipat ng bahay. Sabi nga, sakyan mo ang agos ng buhay at dadalhin ka nito sa lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang iyong kaligayahan.


Ang pagbili ng mga bagong gamit tulad ng damit, pantalon, spatos at iba pang personal na gamit ay maganda ring gawin sa New Moon.


Marami ang nahuhumaling sa mga lucky charm kung saan ang iba ay gumagastos pa ng malaking halaga para lang magkaroon nito. ‘Yung iba naman, kung anu-ano ang ginagawa para lang magkaroon ng lucky charm.


Ang hindi alam ng marami, kapag binili sa mismong araw ng New Moon ang mga gamit na nabanggit sa itaas at iba pa, ito ay magsisilbing powerful lucky charm ng may-ari.


Kaya magandang hintayin natin ang bawat pagdating ng New Moon, kumbaga, tiis-tiis lang, huwag magmadali at pigilin muna ang sarili. Kapag New Moon na, saka lang bumili ng personal na gamit.


Mayroong sobrang mahalagang bagay na dapat nating malaman at hindi dapat kalimutan. Napabalita sa TV, radyo, pahayagan at iba pa na sa panahon ngayon ay napakaraming nagsu-suicide. Kaya ang tanong, ano ang makukuha nating kaalaman sa New Moon para mahadlangan ang pagsu-suicide ng ating kakilala o mahal sa buhay kung sila man ay may balak na gawin ito?


Tulad ng nasabi na, kusa o awtomatikong nakadarama ng kakaibang sigla at saya ang mga tao tuwing New Moon, kaya kung may mahal ka sa buhay, kakilala o kaibigan na napansin mong malungkot, nakatulala at mas gustong nag-iisa kahit dumating na ang New Moon, gumawa ka ng paraan para siya ay sumaya kahit paano.


Dahil mahirap nga lang paniwalaan na ang mga nag-suicide ay nakadama ng hindi maipaliwanag na kalungkutan kahit na dumating na ang New Moon.


Ito rin ay nagsasabing bago dumating ang New Moon o sa mga araw na ang buwan ay papaliit o nasa waning period, nabubuhay na siya sa matinding lungkot. Kaya, ang pagkitil sa buhay ay isa sa mga paraan para matakasan niya ang malupit na mundo na ayon sa kanya ay walang saya kundi lahat ay puro lungkot at pagdudusa.


Pero kung siya ay ating babantayan sa New Moon, malaki ang tsansa na hindi na niya ito ituloy. Dahil dito, masasabing hawak natin ang kapalaran ng ating mga mahal sa buhay na pinaghaharian ng sobrang kalungkutan.

Good luck!

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page