top of page
Search
BULGAR

Never nakilala mula nang ipanganak… BEA, AYAW NANG MAKITA ANG BRITISH NA AMA

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 07, 2021



Nag-viral ang first one-on-one interview kay Bea Alonzo ng veteran journalist na si Jessica Soho na umere sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS). Mataas ang rating nito at nakapagtala ng 1.5 M views.


Maraming anekdota si Bea tungkol sa pagsisimula niya sa showbiz. Marami siyang hirap na naranasan bago nabigyan ng break at napasok sa ABS-CBN.


Nangungupahan lang sila noon sa Pasig. Umabot siya sa puntong nanghihiram ng damit sa mga kaibigan ng kanyang ina para may maisuot sa teyping. At dahil wala pa siyang kotse noon, nakikisakay lang sila ng kanyang mommy sa service car ng production.


Ang mga alaalang 'yun ang naging dahilan upang siya ay magsikap at magpursige para magtagumpay sa kanyang showbiz career.


Nabigyan ni Bea ng magandang buhay ang kanyang pamilya nang siya ay sumikat na at kumikita na nang malaki.


British ang ama ni Bea na hindi na niya nakilala pa hanggang siya ay lumaki. Ang kanyang stepdad ang tumayo niyang ama.


Sa kanilang one-on-one interview ni Jessica ay natanong ng magaling na broadcaster kung balak ba niyang hanapin ang kanyang nawawalang tatay. Tutal, marami nang na-feature ang KMJS na nagkikita/natatagpuan ang mga nawawalang ama, ina at mga anak.


Pero, nagpakatotoo si Bea at sinabing ayaw na niyang makita ang kanyang biological dad.


Well, kung anuman ang dahilan ay si Bea lang ang nakakaalam.

0 comments

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page