top of page
Search
BULGAR

Never ginawa kay Daniel… KATHRYN, ‘DI LANG NAGPATIKIM, NAGPAKAMA RIN KAY ALDEN

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Nov. 15, 2024



Photo: Alden at Kathryn - Kathryn Bernardo at Alden IG


After the blockbuster movie na Hello, Love, Goodbye (HLG) in 2019, gumawa na naman ng record sa takilya ang tandem nina Kathryn Bernardo and Alden Richards, this time ay sa sequel namang Hello, Love, Again (HLA).


Nagbukas na sa mga sinehan ang HLA last Wednesday at ayon nga sa ulat ay breaking the record ang kinita nito na P85 million, the highest opening gross for a local movie.


Napanood na rin namin ang movie last Wednesday sa isinagawang charity block screening ng mag-asawang Engr. Rollie and Jeanine Policarpio na ginanap sa Newport Cinema. Dinaluhan din ito ng kanilang mga empleyado at mga invited guests.


Compared sa HLG na feel-good and kilig movie lang, mas mature na ang HLA dahil siguro ay nag-mature na rin ang karakter nina Alden and Kathryn na Ethan and Joy, respectively.


Mature na rin ang pag-atake ng KathDen sa kani-kanilang roles at ang una nga naming naisip habang pinapanood namin sila ay ‘yung mga dating pelikula nina Christopher de Leon at Vilma Santos. 


Sa nasabing pelikula ay pumayag si Kathryn na magkaroon ng long kissing and bed scenes with Alden na hindi niya ginawa in any of her film with ex-love team/boyfriend, Daniel Padilla.


KathDen delivered a sterling performance at hindi maitatangging ang lakas talaga ng chemistry nila.


Samantala, ang ginanap na block screening ay sponsored ng Eugenio Gojo Cruz Policarpio na sinimulan ng pamilya ni Engr. Rolly.


Ayon kay Miss Jeanine ay parati silang nagsasagawa ng block screening in support of our local movies at para na rin lumikom ng pondo para sa mga scholars na pinapaaral ng kanilang foundation.


Gandang-ganda rin ang mag-asawa sa pelikula at sabi nga ni Miss Jeanine, para raw adobo na perfect ang timpla.


“Kumpleto, tama ‘yung timpla, may matamis, may maalat, may maasim, nandu’n na lahat. Punumpuno ng learnings, and then, pagmamahal sa family, sa husband, sa friends and you will treasure kung ano ‘yung pinaghihirapan mo talaga,” saad ni Miss Jeanine.


 

Finally ay nagsalita na ang aktor-businessman na si Ken Chan at sinagot na ang mga isyung kinasasangkutan partikular na ang kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya ng isang diumano’y nag-invest sa kanyang restaurant.


Sa official statement na inilabas ng aktor kahapon sa kanyang Instagram (IG) account, sinabi niyang hindi niya tinatakasan ang kaso at wala siyang nilokong tao.


“Isang mapagpalang araw po sa inyong lahat. Personal kong babasagin ang aking katahimikan sa kumakalat na version ng kaso na isinampa laban sa akin dahil sa pagkalugi ng itinayo naming negosyo na Café Claus na nagkaroon ng tatlong branches at nagsara,” simula ni Ken.


“Hindi po ako nanloko ng tao, naitayo po ang negosyo ngunit hindi ito nagtagumpay. Hindi po dahil ito ang amount na isinampa laban sa akin ay ito na ang buong katotohanan.


“Sasabihin ko po nang buong-buo ang actual na numero at detalye na masyado nang naging exaggerated dahil sariling panig pa lamang ng complainant ang inilabas nila,” patuloy ng aktor.


Sinabi rin ni Ken na maglalabas din siya ng kanyang sariling detalye tungkol sa nangyari.

“Kaunting panahon po at ilalabas ko lahat ang katotohanan kung bakit nangyari ito sa kumpanya. Hindi po ako nanghingi lang ng pera at nanloko tulad ng akusasyon sa ‘kin,” paliwanag ng aktor.


“Pinili ko pong manahimik pansamantala dahil sa una pa lamang po ay inilalaban ko na ito legally, kasama ng mga taong nagmamahal at sumusuporta sa akin sa sitwasyon kong ito.


“Naniniwala ako na sa awa ng Panginoon ay mairaraos ko po ito.


“Lumalaban po ako at hindi tumatakbo palayo sa isinampang kaso sa akin.


“Mahigit isang dekada kong pinaghirapan ang aking career at hindi dahil sa akusasyon ng iilan ang magtatapos ng napakagandang future na inilaan para sa akin ng Panginoon,” aniya.


Matatandaang last Friday (Nov. 8) ay nag-issue ng Warrant of Arrest ang awtoridad kay Ken kaugnay ng syndicated estafa na isinampa sa kanya. 


Hindi nai-serve ang Warrant of Arrest sa aktor dahil hindi ito natagpuan sa kanyang bahay sa Quezon City.


Sa panayam sa abogado ng complainant ay sinabi nitong P14 million ang hinahabol na pera ng kanyang kliyente kay Ken Chan.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page