top of page
Search

Never daw naghihiwalay… KRISTINE AT OYO, 24/7 MAGKASAMA SA 14 YRS. NA KASAL

BULGAR

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Jan. 14, 2025



Photo: Kristine Hermosa-Sotto at Oyo Sotto - Instagram


Nagdiwang ng kanyang ika-41 taong gulang ang aktor na si Oyo Sotto kahapon (Enero 12) kasabay ng kanilang 14 taong anibersaryo bilang mag-asawa ni Kristine Hermosa-Sotto.


Sa Instagram (IG) account ni Tin ay ipinost niya ang bonding moments nilang mag-asawa at ang madamdamin niyang pagbati sa ama ng kanilang anim na anak na sina Kiel, Ondrea, Kaleb, Marvin, Vittorio Isaac at Isaiah Timothy.


Pinasalamatan muna ni Kristine ang Panginoong Diyos dahil binigyan siya ng asawang mapagmahal at may takot sa Diyos.


Aniya, “Thank you, Lord, for Oyo for his life and dedication to pursue You in all his ways. Thank you for loving me so much that you have blessed me with a God-fearing husband, exactly what I need in this world.”


Kasunod ay ang pagiging responsableng ama at asawa ni Oyo sa pamilya nila sa loob ng 14 taon nilang mag-asawa.


Pahayag niya, “My dear Oyo, doing our day-to-day life together is a wonderful gift, not everyone has this kind of privilege… may it be cleaning the house, you cooking our food, driving separate cars to get sticker renewal, doing the groceries, helping the kids with everything they need, encouraging each other to work out kahit parehong walang drive dahil sa mga pagsubok ng buhay.


“I don’t recall a time not having you by my side.. kasi “literal” hindi tayo naghihiwalay, 24/7… and I wouldn’t want it any other way.


“In our 14 years of marriage, I still enjoy your company, still laugh at your unintentional untimely humor, I still get entertained with your kasungitan lalo na ‘pag napupuno ko ‘yung hard drive natin dahil hindi ako nagbubura ng photos at ‘pag may hindi tama sa araw mo at sa kapaligiran.. at ‘yung mga naiisip mong out of this world na pet name sa mga anak natin at sa kung anu-ano pa.. that usually happens ‘pag bored ang brain mo, you have a unique vocabulary and a charming way of expressing things. I’ve grown to love everything about you.. buti na lang nand’yan si God (praying hands emoji).


“I am so blessed and always grateful to have you in my life. May God grant us supernatural wisdom, strength, faith, patience, super healthy body with optimal level of energy, metabolism, balanced hormones and everything else.


“May He grant us with a long quality life with our children and loved ones. I LOVE YOU! HAPPY BIRTHDAY, MY LOVE! THANK YOU LORD FOR THE 14 YEARS AND FOR A LIFETIME…”


Sumunod na bumati ay ang sister-in-law ni Oyo, ang ate ni Tin na si Kathleen Hermosa.

Ani Kathleen, “To our #couplegoals, Oyo & Tin, HAPPY ANNIVERSARY! And to many more

Happy Birthday sa aking brother-in-law na hindi lang guwapo kundi mas guwapo ang kalooban! God Bless you both. May you keep the fire (love) burning!! We love you a lot! (heart emoji) Ate M & Miko @miko.santos08 @osotto @khsotto”


Bumati rin ang mga kaibigan nila kay Oyo.


Nagpasalamat naman si Oyo sa mga nakaalala sa kanyang kaarawan at sa anibersaryo nila ng asawang si Kristine.


Samantala, nakaalalay sina Oyo at Tin kasama nina Danica Sotto at Marc Pingris sa ina nilang si Dina Bonnevie sa pagkamatay ng asawa nitong si Ginoong Deogracias Victor Savellano dahil sa abdominal aneurysm sa edad na 65.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page